Hihirit na si Mark Lapid

Hindi talaga pababayaan ni Gob. Lito Lapid at top action hero ng local movie na madiskaril ang pagpasok sa pelikula ng kanyang anak na si Mark Lapid. Katunayan, para makasiguro na maganda ang magiging launching movie nito, siya na mismo ang nag-direk ng pelikula. Lumabas din siya sa isang importanteng role. Balita rin na nagkaroon ito ng hand sa pagpili o pagkuha ng makakapareha ni Mark na si Kristine Hermosa. Pero, itinanggi ito ni Gob sa pagsasabi na ang producer, si Raul Cruz ng Megabuilt Films, ang kumuha sa young actress na nasa pangangalaga ng ABS-CBN.

Mahirap din para kay Mark ang magdala ng pangalang Lapid na institusyon na sa pelikulang Pilipino.

Ang kanyang lolo (sa pinsan) na si Jess Lapid (Sr.) ay di matatawaran ang kakayahan bilang action star sa kanyang panahon. Siya ang tinaguriang hari ng stunts. Ang kanyang ama ay mayroon ding sariling tatak at husay na hanggang ngayon ay wala pa ring makakapantay.

Si Mark kaya ang sumunod sa kanila? Sa mga anak ng mga action star na nakasabay ni Lito Lapid, tanging si Mark ang higit na nalilinya bilang tunay na action star.

"Mahirap pantayan ang papa ko," ani Mark. "Siguro, kailangan kong gumawa ng sarili kong style. Yan po ang dahilan kung bakit pinaghuhusay kong talaga. Nahihiya ako sa papa ko. Parati niyang sinasabi na ang pag-aartista ay hindi isang laro. Ito’y isang propesyon na pinagbubuhusan ng oras at dedikasyon."

Kaya naman maging si Kristine ay bilib sa kanya. At maging ang kanyang co-stars na sina Ace Espinosa at Roi Vinzon na pareho nang nagbida sa pelikula.

Kasama rin sa pelikula na pinamagatang Dugong Aso si Sharmaine Santiago at ang baguhang child star na si Kathleen Cruz.
*****
Pasko na talaga! Marami ng bazaar ang nagbubukas, lalo maski na sa loob ng mga malls. Gaya sa Harrison Plaza na mayroong Harrison Plaza Bargain Centre na mayroong 700 booths na nagtitinda ng variety of merchandise kasama na ang cellular phones, houseware, car accessories, clothes, toys, leather goods, jewelry, electronic devices, home decor, appliances, ornamental plants, school supplies at marami pang iba.

Ang bargain center ay matatagpuan sa likod ng Rustan’s Supermarket na dinisenyong parang isang warehouse ni Architect Pitpit Mercado. May sukat itong 8,352 square meters. Pwedeng pumasok sa A. Mabini sa harap ng Bangko Sentral ng Pilipinas. May dalawa pang pasukan sa loob mismo ng HP, isa sa pagitan ng Rustan’s at Abenson’s at ang ikalawa ay nasa 2nd floor sa pagitan ng Goldilock’s at Dunkin Donuts.

Kung interesado kayo, tumawag sa 5267128 at 5360891. Minamaneho ito ng AVM Business Specialists, Belco Marketing, Inc. at URDI.
*****
Pumunta kami ng mag-anak ko sa SM Cubao nung Linggo at nakapagtatakang libre ang parking space. Di tulad sa ibang mga malls na may bayad ang pagpa-park ng sasakyan. Bumibili ka na sa kanila, may bayad pa ang parking. Di ba unfair? Kasama naman sa serbisyo na dapat ipagkaloob ng mga nagmemeari ng malalaking business establishments, gaya ng malls, groceries, restaurants, cinemas, atbp. ay ang pagbibigay ng parking space sa kanilang mga costumers.

Kaya, pinupuri ko ang SM Cubao, sa kanilang magandng serbisyo sa tao. Yun ding salesman na naghatid ng mga pinamili namin sa sasakyan ay hindi tumanggap ng tip. Kahit na anong pilit pa namin.
*****
Ang ganda ng katatapos na concert ni Nora Aunor na ginanap ng dalawang gabi sa Music Museum. Dapat ay sa second night ako nanood, para nakapanood pa sana ako ng ma-dramang pagtatagpo ni Nora at ni Matet de Leon. Natutuwa naman ako at pinuntahan ni Matet ang kanyang "Nanay". It only proves na sa kabila ng mga naganap sa kanila, hindi nila itinatapon ang maraming taon na relasyon nila, ng pagiging mag-nanay nila. Hindi naman mahalaga kung si Matet ay tunay na anak ni Nora o ampon lamang. Ang mahalaga ay kung ano ang relasyon niya kay Nora, kung nagmamahalan sila at kung okay sila ng itinuturing niyang pamilya. Obvious naman na sa kabila ng marami nilang di pagkakaintindihan mahal siya ni Guy. Kitang kita rin na mahal siya ng mga kapatid niya, nina Ian, ang asawa nitong si Isa, ni Lotlot at ng pamilya nito, ni Boyet de Leon at ng pamilya nito, ni Kiko at Keneth.

Nora should concentrate more on singing, kung walang pelikula. Respetado rin naman siya sa field na ito. Dito siya nagsimula. Nakapagpapataka lamang na pinababayaan niya ang kanyang pagkanta. Hindi man maka-relate sa show niya ang mga bagets, naririyan ang mga elders nila na nagustuhan ang palabas ni Guy. Kudos to Norie Sayo for a job well done.

Show comments