Ipinakikilala: Yo Ocampo

Una nakilala si Yo Ocampo ng press na pumasyal sa kanilang shooting ng pelikulang Hubog sa Baseco Compound. Ipinakilala siya ng kanyang manager na si Manny Valera who is line producing the De Rossi sisters, Assunta and Alessandra, starrer.

Isang top ramp and fashion model si Yo bago siya natuklasan para sa pelikula. Nadiskubre siya ng kanyang manager sa Faces of Basilica (2000) na kung saan ay napanalunan niya ang grand title sa paligsahan na ito ng modeling at personality. Winner din siya sa Circle of 10, isang talent and modeling search na isinasagawa para sa advertising industry. Napili siyang Model Discovery of the Year.

Pangarap ni Yo na makilala sa kanyang pinasok na propesyon pero, kung hindi siya palarin gusto niyang maging mahusay na inhinyero na tulad ng kanyang ama. Bagaman at hindi ito kumporma sa pag-aartista niya, taglay naman niya ang basbas ng kanyang ina.

Katatapos lamang ng kanyang isang taon at kalahating relasyon sa kanyang nobya. Nagwakas ito sapagkat hindi niya nakayang mapagsabay ang pag-ibig at career. Naniniwala siya na ang kanyang kaabalahan sa kanyang trabaho ang magpapabilis sa paghilom ng sugat na nilikha ng kanilang break-up.

Bagaman at bago pa lamang siya, marami na siyang nagiging kaibigan sa business sapagkat marunong naman siyang makisama at hindi takot humingi ng pointers sa mga mas senior sa kanya at maski na sa mga kaedad niya na nauna na sa kanyang mag-artista.

Idolo niya si Robin Padilla.

Show comments