Nariyan pa rin ang bold films

Pagkatapos ng Basagan ng Mukha ng MMG Films na kung saan ay nakatambal niya ang world boxing champion na si Manny Pacquiao, wala pang kasunod na pelikula si Barbara Milano. Mabuti na lamang at marami siyang out of town shows na nagbibigay sa kanya ng regular income at exposure, hindi rin siya nami-miss ng mga fans.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Barbara dahilan sa kahit na nagkaroon ng slump ang industriya, hindi rin nawala ang bold films na siya namang forte niya. Samantala, sinasamantala niya ang panahong libre siya para mabigyan ng time ang sarili niya. LMS

Show comments