^

PSN Showbiz

Vanessa out sa MTB? John, Randy, susunod?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Magkakaroon daw ng changes ang Magandang Tanghali Bayan pagbalik ng grupo mula sa kanilang three weeks show sa States. Ayon sa isang source ng Baby Talk, tuluyan nang tatanggalin si Vanessa del Bianco sa show. Maging ang contract daw nila John Estrada at Randy Santiago ay undecided pa ang management kung iri-renew pa.

My source also adds na matagal nang nag-give-up ang ABS-CBN Talent Center kay Vanessa. Hindi lang daw lumalabas ‘yung news tungkol dito at hindi lang napapansin ng mga nanonood na lahat ng show na kasama si Vanessa, wala na siyang naka-focus na shot. Matagal na raw itong walang road manager at production assistant.

Napikon na raw talaga si Mr. Johnny Manahan sa pagiging liar ni Vanessa na ang pinaka-last na incident ay ang balita na magkasama sila ni John sa Cebu sa opening ng Ratsky na maraming nakakitang sa isang room sila nag-check-in na itinanggi ni Vanessa.
*****
Si Diether Ocampo ang birthday date ni Joyce Jimenez last Friday sa Blue Onions, Eastwood City sa party na bigay ni Mother Lily Monteverde for Joyce. Sabay dumating sila Joyce and Diether - almost 11:00. Pagdating nila, saka lang binuksan ni Joyce ang gift ni Diether na isang bracelet. Kaya naman convinced na karamihan na there’s something going on na nga sa kanila.

Ipinakita ang full trailer ng movie nilang Ano Bang Meron Ka? during the party. Grabe pala ang mga kissing scene nila, parang pareho nilang feel na feel ang nangyayari. Mas maganda at sexy si Joyce sa nasabing pelikula. Kunsabagay almost 30 pounds din ang nabawas sa kanyang weight. "Actually, kung kelan ako nag-stop sa pagda-diet saka naman ako nag-lose ng weight," she reveals sa isang previous interview.

Para kasing nawala na ang baby fat niya na kitang-kita rito sa latest movie niya.

Anyway, si Joyce ang favorite star ngayon ni Mother Lily. Ang rason: impress si Mother sa working habit ni Joyce. Kung dumating daw kasi ang actress sa shooting or sa meeting, 30 minutes ahead of call time. "Ngayon lang kasi naka-encounter si Mother ng artista na hindi nali-late sa shooting, ‘yung tipong hindi maarte pagdating sa trabaho. Oo lang nang oo," paliwanag ng isang malapit kay Mother.

"Matagal-tagal na rin kasing producer si Mother at lahat na yata ng artista ay naka-trabaho niya. Pero karamihan sa kanila ay nagbibigay ng sakit ng ulo kaya nang ma-discover ni Mother na puwede naman palang maging madali ang trabaho kung makiki-cooperate ang artista, gaya nang ginagawa ni Joyce," comment naman ng kausap ko.

Kaya naman hindi pa man napapalabas ang Ano Bang Meron Ka?, gusto nang simulan ni Mother ang bagong project ni Joyce sa kanyang kumpanya. Nag-promise rin daw si Mother na gagastusan niya lahat ng pelikulang gagawin ng sexy actress sa Regal.

Dito sa Ano Bang Meron Ka?, balitang P40 M ang ibinigay na budget ni Mother kay Direk Maryo J delos Reyes. "Dapat talagang gastusan ‘yung ganitong klase ng pelikula," Direk Maryo J says.

At any rate, Ano Bang Meron Ka? also stars KC Montero, Nida Blanca, John Lapus and Marissa Sanchez.
*****
Admitted si Mark Anthony Fernandez na turn-on/attracted talaga siya kay Rica Peralejo. "Rica is very beautiful and very sexy so it’s hard for any man not to get turned on, maski nakadamit siya," Mark says sa isang interview. Particular kasing na-turn on si Mark sa eksena nila sa Dos Ekis nang magsayaw si Rica in front of him na almost nude.

Anyway, Mark has successfully moved out sa anino ng kanyang parents - Rudy Fernandez and Alma Moreno. He is now independent from his parents name. "Of course, being the son of Rudy Fernandez and Alma Moreno and stepson of Lorna Tolentino and Joey Marquez helped a lot in opening doors for me and a lot of opportunities. But once the doors have been opened, I was left to myself. It was up to me to show my worth as a person and as an actor, and to stand on my own," he avers.

Sa kanyang pagsasarili, pinatunayan ni Mark ang kanyang sarili hindi lang bilang isang magaling na actor - na kaya niyang gawin lahat ng role na ibigay sa kanya - comedy, romance, drama and action. At kahit bold na rin.

He was good in Biyaheng Langit with Joyce Jimenez, at ngayon nga kakaibang Mark ang mapapanood sa Dos Ekis, written and directed by Erik Matti.

Hardware employee na bored sa buhay ang role ng actor sa Dos Ekis. Si Rica naman ay isang burlesk dancer sa isang malapit na club na sawa na rin sa buhay. Kaya nang mag-meet sila, they compliment each other at nag-decide na sabay na ma-achieve ang kanilang mga pangarap.

Balitang umalis papuntang States si Mark the other day. Ayon sa balita, walang idea ang lahat sa biglaang pag-alis ng actor although ayon sa isang malapit sa actor dadalawin lang nito ang mommy niya (Alma Moreno) na nagpapa-treat sa America dahil sa multiple sclerosis. May mga nagsasabi rin na baka inunahan lang ni Mark si Rica sa pag-alis. Next week kasi ay naka-schedule ring magpunta sa States si Rica para sa kanyang series of shows. Baka raw do’n na lang magsabi si Mark na talagang gusto niya si Rica. There was a time kasi na na-link na rin sila - Palibhasa Lalake days pa ‘yun. Kaya nga nang gawin nila ang Dos Ekis, hindi na nagdi-deny si Mark na nanghihinayang siya dahil may Bernard Palanca na si Rica.

The last time na naka-usap namin si Mark, nagsabi siya na nasa right direction na ang buhay niya. Kinalimutan na niya lahat ng mga bagay na naging dahilan ng kanyang mga pinagdaanang problema sa buhay. Drugs in particular. "Wala na ‘yun. Na kay Lord na ako," he confesses sa isang previous interview. Member na si Mark ng Oasis of Love at everytime na may gumugulo sa kanyang isip, nagpi-pray lang siya.

Na-realize rin ni Mark na mas kailangan siya ngayon ng mom niya. "Importante na nandiyan ang pamilya mo na naka-suporta lalo na ngayon. Ayoko na ring sayangin ‘yung panahon na nagbago na ako para makabawi ako sa kanila."
*****
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]/[email protected]

ANO BANG MERON KA

DOS EKIS

ISANG

JOYCE

KAYA

LANG

MARK

MOTHER

RICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with