Ayon sa kuwento ng binata, malakas ang ulan ng mga oras na yon habang dina-drive niya ang isang car kasama ang ilang friends nang bigla raw may tumawid at di inaasahang bumangga sila sa isang poste.
Total wrecked ang minamaneho niya. Suwerte na nga lang daw na mabuhay pa sila sa sobrang pagkawasak ng sasakyan.
"Kahit ako, di makapaniwala na mabubuhay pa pati mga friends ko. Kung makikita nyo lang yung car," pagbibida ni Patrick.
"Ang natatandaan ko, hindi ako naka-seat belt. Nung mangyari yon at magising ako, nasa tabi ko na sa likod ang mga kasama ko. Himala na wala man lang akong kagalus-galos.
"Its really a miracle na wala man lang akong tama o sugat. Parang walang nangyari. Pero yung car, talagang wasak na. Ang ikinatakot ko lang, sa mom ko yung car na ginamit ko.
"Hindi ko talaga alam kung paano kong ie-explain sa mom ko ang nangyari. She was in the States that time. Kaya ang pumasok sa isip ko, malalagot ako.
"But then Im really thankful na binigyan pa ulit ako ng second life nang nasa Itaas. Parang may meaning din ang nangyari and its really a big lesson na mas maging maingat na ako.
"Pero ang feeling ko nakaligtas ako ng isang tao na muntik na rin naming madisgrasya. Kung di siguro ako nakaiwas agad, baka nakasagasa na ako kaya siguro naligtas din ang mga buhay namin," mahabang kuwento pa ng guwapong aktor na nung unay ayaw na rin itong ipasulat pa pero napapayag na rin namin. (Ulat ni Robert Perez)