Sherilyn is ready to bare
October 20, 2001 | 12:00am
Kadalasan, nagiging sagwil ang pag-aasawa sa isang artista sa kanyang career. Pero iba ang naging kapalaran ni Sherilyn Reyes. Mas gumanda ang kanyang career matapos siyang mag-asawa at magkaanak. "I got married when I was 22," pagtatapat ni Sherilyn sa taping ng Bubble Gang sa Filmex, Makati noong Lunes. "Somehow, inisip ko na baka makaapekto yung pag-aasawa ko sa career ko. Hindi ko rin alam na makakabalik ako sa showbiz at mas magiging maganda ang career ko. I never expected a better career when I got married. It is much better when I was single."
Ikinasal si Sherilyn kay Jun Santiago (kapatid nina Rowell, Randy at Raymart) noong 1997, civil wedding at noong 1999, church wedding. Meron na silang 3-year-old son, si Paolo.
Dalawang taon nang regular host sa Eat Bulaga si Sherilyn. Ganun na rin siya katagal bilang regular cast sa Bubble Gang. Tinatapos niya ang pelikulang Fourth Fathers ngayon, katambal si Bobby Andrews and for the first time, sabi niya, nagkaroon siya ng kissing scene. "Balewala naman yung kissing na yon, pag pinanuod, parang ordinary lang," sabi niya.
Kung nagsimula na siyang magpahalik, posibleng may mag-alok na sa kanyang mag-bold? "Siguro, magdadalawang-isip ako. Payag ako kung medyo daring lang. Pero hindi yung magbi-bare ako. Depende rin sa execution. As long as hindi ako mai-exploit at mabibigyan ng justification yung role ko, okey lang."
Si Sherilyn ay may taas na 56" at may sukat na 34-25-34. Taga-Batangas City siya at noong sampung taon gulang siya, lumipat ang pamilya niya sa Cebu. Doon na siya nag-high school at nag-college. Nasa 3rd year siya ng Accountancy sa St. Theresas College, Cebu nang sumali siya sa isang beauty contest, kung saan siya nagwagi bilang Mutya ng Pilipinas Tourism, noong 1994. "I was sent to Malaysia for the international contest, afterwards. Nag-3rd runner-up ako doon," kuwento niya.
Anim na buwan, pagkatapos ng national competition sa Mutya ng Pilipinas, nakita si Sherilyn ni direk Johnny Manahan sa Cebu. "That is how I started my showbiz career. I was 19 then," sabi ng ngayoy 26-year old actress.
Limang taon ang naging kontrata ni Sherilyn sa Channel 2. Una siyang ipinakilala sa pelikulang Father and Son na pinagbidahan ni Dolphy. Nakalabas din siya sa ilang pelikula ng Regal. Hindi niya malilimutan ang mga pelikulang Deliryo, Pangako, Ikaw Lang at itong pinakahuli, Four Fathers. "It has been a long time since I did drama, dito sa latest movie ko, wala akong ginawa kung hindi umiyak nang umiyak."
Sabi ni Sherilyn, kai-expire lang ng kontrata niya sa Channel 2. "But then, nandun pa rin yung respect," sabi niya. Gustuhin man daw niyang lumabas muli sa Dos dahil naiimbitahan din siya paminsan-minsang mag-guest, wala siyang magawa dahil halos nakatali siya sa Syete, may movie offers pa siya. Mabuti naman at sa kabila ng pagiging abala niya sa showbiz, may panahon pa siya sa pamilya niya? "Time management lang ang kailangan. Puwede talagang pagsamahin ang career at family life," sabi niya.
Ayon kay Sherilyn, niligawan siya ni June (Pablo Santiago, Jr.) sa Cebu. Hindi ko alam na umaatend siya ng party ng Mutya contestants. Nang makilala ko na siya, madalas niya akong sorpresahin sa Cebu. Ang asawa ko, walang hilig sa pag-artista. Most of the time, nagla-line-produce siya. Hindi ko talaga ini-expect na I will be a part of their family. But I must confess, Ive always been one of the biggest fans of Randy Santiago, lalo na noong kasikatan niya."
Kumakanta rin si Sherilyn, katunayan, kasama siya sa isang album ni Regine Velasquez kung saan kinanta niya ang "Thanks for Being my Friend". "Gusto ko ring pagtuunan ang isang singing career pero sa ngayon, mas gusto kong mabigyan ng break sa isang drama. Mas challenging sa akin ang mabigyan ng kontrabida roles. Gustung-gusto ko yung roles na ginagampanan ni Cherie Gil.
Kuwela rin naman si Sherilyn sa comedy kaya noong isang taon, nominated siya for best comedy actress sa Star Awards for TV. "Last year, hindi ako nanalo sa Star Awards. Ang masakit, may nagsulat na naglasing daw ako dahil sa pagkatalo ko. Hindi ako talaga umiinom. Kaya ako nalasing, dahil pinainom ako ng mga boss ko noon. Red wine lang yon, pero matindi ang tama sa hindi pa nakakainom na tulad ko. Nalasing ako noon hindi dahil sa masama ang loob ko dahil natalo ako."
This year, nominated din siya sa parehong category. "Hindi ako nakapunta dahil may sakit ako. I also did not expect to win dahil ang mga kalaban ko Aiai, Maricel, Rufa Mae how many years na sila sa showbiz? Feeling ko, hindi pa ako hinog. Pangalawang taon ko pa nga lang na nagko-comedy. Last year, sa Tropang Trumpo ako nominated. This year, sa Bubble Gang. At least, napapansin ako, I get nominated. Yon ang masasabi kong consolation. It is an honor already na ma-nominate. Hindi ako bitter pag natatalo. Someday, who knows baka manalo rin ako. Pero sa ngayon, alam ko, hindi pa talaga ako hinog."
Eh yung tsismis naman sa kanilang dalawa ni Anjo Yllana? "Naapektuhan ako noong una dahil pareho kaming may kanya-kanyang pamilya. Ni wala nga akong crush sa kanya, tapos, matsitsismis pang kami na raw? Buti na lang, hindi nagselos ang husband ko. Talagang naapektuhan ako dahil hindi pa ako sanay sa mga intriga at tsismis. Pero later, pag sinasabing kami na nga raw ni Anjo, smile na lang ako. Walang mangyayari sa career ko kung paapekto ako. Bahagi ng showbis ang tsismis at intriga, di ba?"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am