^

PSN Showbiz

Rica magsasayaw sa putikan!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Matagal na kaming nagkakwentuhan ni Mommy Alice tungkol sa anak niyang si Rica Peralejo. Naglalagare ito ngayon sa dalawang pelikula-ang Dos Ekis at Tatarin. Halos wala na nga itong tulog kapag dumadating ng bahay.

Enjoy na enjoy daw ang anak niya sa syuting ng Tatarin dahil kasama niya ang magagaling na artista gaya nina Edu Manzano, Dina Bonnevie at Raymond Bagatsing. Hinahabol nila ang pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival. "Hirap na hirap sa syuting si Rica dahil kailangan magsayaw siya sa putikan na sensual ang dating. Nagrerehearsal nga siya sa isang dance studio sa Mandaluyong. Dapat ay kay Joyce Jimenez ang role na ito kaya lang nahihirapan siyang magsayaw," sey pa ni mommy Alice.

Matapos lang ang syuting ng dalawang pelikulang ito ay pupunta si Rica sa Amerika sa October 30 kung saan may series of show ito sa LA, San Francisco, Hawaii at iba pang panig ng Tate. Baka darating sila ng Nobyembre 25 kung saan sisimulan ang isang proyekto kasama ang TGIS. Umaasa raw ang anak niya na sana’y matupad ang pangarap nitong makasama sa movie si Aga Muhlach.

Dahil sa sunod-sunod na pelikula at mga shows sa bansa ay hindi nito nabibigyan ng panahon ang makapag-recording under Viva records. May lalabas din daw si Rica na kalendaryo tungkol sa alak kung saan siya ang endorser nito. Wala na ngang mahihiling pa sa kanyang buhay si Rica dahil masaya siya hindi lang sa career kundi gayundin sa lovelife.
Angelika, komportableng makapareha si Sherwin O.
Panay ang papuri ng GMA executive na si Wilma Galvante kay Angelika dela Cruz na nag-renew ng kontrata sa Syete. "Magaling na artista ito at mahusay ring sumayaw at umawit. Masasabing versatile si Angelika bukod pa sa pagiging propesyonal nito sa trabaho," aniya.

Balitang mawawala na sa Ikaw Lang ang Mamahalin ang kapareha ni Angelika na si Russel C. Mon. Si Sherwin Ordoñez ang balitang makakapalit nito. "Nami-miss ko na si Sherwin Ordoñez na komportable akong makapareha dahil nagkasama kami sa Pintados noon. Ginaganahan ako sa taping kapag siya ang kasama ko," aniya.

Maraming nagre-request na ibalik uli si Sherwin kaya matutuwa na naman ang mga fans. Bagay silang magkapareha. Ang iba pang mga aktor na gustong makatambal ng magandang aktress sa pelikula at telebisyon ay sina Robin Padilla, Aga Muhlach, Christopher de Leon, Piolo Pascual at Dingdong Dantes.

Handa na ring tumanggap ng mature role ang aktres at pwede nang magpasexy sa pelikula kaya lang never siyang papayag na magkaroon ng breast exposure. "Pwede na rin akong magpahalik pero hindi passionate kissing scenes," dagdag pa nito.

Sa darating na October 29 ay 20 years old na siya at isa sa kanyang birthday wish ay matapos na ang bahay na ipinagagawa nila sa Malabon.
Jomari, pahinga muna
Wala ngayong pinagkakaabalahang pelikula at TV show si Jomari Yllana matapos matsugi ang Kiss Muna. Nakakapagpahinga siya habang hinihintay ang negosasyon para sa susunod na TV program. Pero sitcom pa rin ang malamang na ibigay sa aktor.

Lagi namang napapanood si Jomari sa mga TV guesting gaya ng Kool Ka Lang at iba pa. Hanggang ngayon ay pinagpipistahan pa rin ang isyu tungkol sa kanilang dalawa ni Ara Mina pero, dinidedma na lang nila ito.
Romnick, iniintriga
Imbyerna ang manager ni Romnick Sarmenta sa intrigang wala na itong trabaho kaya madalas na nakikitang nakaistambay sa mga mall. Ayon kay Angge hindi ito totoo dahil may sariling bahay ang kanyang alaga.

May ginagawa ding TV mini series sa Singapore ang magaling na aktor titled Paradise. Nilinaw pa rin ng manager na hindi totoong nag-aaway lagi sila ng asawang si Harlene Bautista. Katunayan ay sweet pa rin ang dalawa sa piling ng anak na si Zeke.
Blind item: sikat na TV host, lumaki ang ulo
Masama ang loob ng isang Tv host-writer na tatawagin nating si A sa sikat na sikat na TV host na si B. Minsan kasi kasama ni TV host A ang kanyang sikat ding ina na dating TV host pero nasa radyo ngayon.

Nakasalubong nilang dalawa si TV host B pero ni hindi sila pinansin nito at diretso lang ito sa paglabas ng studio. Sey nga ni TV host A "Ang laki nang ipinagbago niya. Kahit man lang sana si Mommy na lang ang binati niya dahil ang laki ng naitulong nito sa kanya noong bago pa lang siyang nag-aartista."

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANGELIKA

CENTER

JOMARI

LANG

RICA

SHERWIN ORDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with