GMA-7, may magandang plano kay Darlene Carbungco

Naniniwala ang GMA-7 na star at showbiz material si Darlene Carbungco, ang kasalukuyang Mutya ng Pilipinas at bet ng ating bansa sa Miss Asia Pacific Quest 2001 na magaganap sa Nobyembre 10 sa NBC Tent sa Fort Bonifacio. Hindi lamang ito maganda, marunong pa rin itong kumanta at sumayaw at mayroong magandang PR kung kaya marami silang magagandang plano para dito pagkatapos ng reign nito as Mutya. "Pero sa ngayon ang concentration namin ay ang nalalapit na Miss Asia Pacific Quest which GMA is hosting," ani Wilma Galvante, isang top exec ng GMA.

Darlene is the 34th Mutya ng Pilipinas. Isinilang siya sa San Diego, California at panganay sa tatlong magkakapatid na pinaghalong Kapampangan at Ilonggo ang dugo. Tatlong taon na siya nang bumalik ang kanyang pamilya sa Pilipinas at nagpasyang manirahan sa Olongapo City na kung saan ay nag-aral siya sa isang American School. Graduate na siya ng nursing at pagkatapos ng kanyang reign ay saka siya kukuha ng board exam.

Ano sa palagay niya ang kanyang tsansa na makuha ang titulong Miss Asia Pacific?

"Bonus na lamang ito kung sakali. Tama na sa akin yung manalo ako ng Mutya. Wala naman sa pangarap ko ang maging beauty queen. I can’t even walk properly. Gusto ko lang ay makatapos ng pag-aaral at tapos ay magtrabaho," simula ng bukod sa isang beauty queen ay girlfriend pa rin ng anak ng isang sikat na action star at ngayon ay gobernador ng Pampanga na si Lito Lapid.

"
Schoolmates kami ni Mark (Lapid). Dun niya ako sinimulang ligawan. Gusto siya maski ng pamilya ko kasi mabait siya at magalang. Kapag kasama ko siya ay secure na secure ang feeling ko. Parang kayang-kaya niya akong ipagtanggol.

"Araw-araw nagkikita kami pero kapag hindi, nag-uusap na lang kami sa phone. Hindi naman kami araw-araw lumalabas. Minsan nasa bahay lang kami, nanonood ng TV, nagku-kwentuhan. Pag lumalabas kami, kumakain lang kami. Natuto ako sa kanyang kumain ng sisig," kwento niya.

Ma-rami ang humuhula na si Darlene ang magiging ikalimang Mutya na mananalo ng korona ng Miss Asia Pacific. Ang naunang apat ay sina Ines Zaragoza, 1982; Bong Dimayacyac, 1983; Lorna Legaspi, 1989 at Michelle Aldana, 1993. Layunin ng pakontes to promote peace and goodwill, trade and tourism sa mga participating nations sa Asia, Pacific basin, South and North Americas at Middle East.
*****
Kung kailan ipapalabas na ang Xstatic ngayong gabi sa Araneta Coliseum ay saka naman nagkakaroon ng kaguluhan between the producers at sa humahawak ng promotion ng konsyerto na tinatampukan pa naman ng mga malalaking artista sa pangunguna ni Gary Valenciano, Lani Misalucha, Carol Banawa, Karylle, Aiza Seguerra, Piolo Pascual at Donita Rose. Sana naman ay hindi makaapekto sa palabas ang mga kaguluhang ito.

Ang pagsasama ni Gary V at Lani ay nagbibigay ng malaking interes sapagkat bibihira silang magkasama sa ganitong palabas. Tonight, they will be sharing a stage together. May duet sila.

Bukod sa Xstatic, abala si Gary V. sa mga campus tours at provincial shows. Naisisingit pa niya ang maraming imbitasyon para mag-show sa abroad. Kagagaling lang niya sa Chiba-ken, Japan na kung saan dinumog ang kanyang performance sa anibersaryo ng pinaka-malaking Filipino Christian church dun. Nag-show din siya sa New Jersey, Thailand at New Zealand. Matagumpay din ang Gary V: By Request 2 na ipinalabas sa UP theater. Pino-promote pa rin niya ang "Lupa" mula sa kanyang album na "Revive" sa Universal Records. Ito ang nagbigay sa kanya ng award na "Best Performance By a Male Recording Artist" mula sa Awit at "Best Concert Act" (para sa "Radical") mula sa Aliw.
*****
Binibigyan ng parangal ng mga pangunahing music artist ng Pilipinas ang musika ng Hotdog sa pinaka-bagong album ng BMG Records Pilipinas na pinamagatang "Bandang Pinoy, Lasang Pinoy".

Ang Hotdog na pinangungunahan nina Rene at Dennis Garcia ay nagbigay ng mga awitin na itinuturing na Manila Sound nung taong 70’s. Sa panahong ito, hindi na itinuring na bakya ang mga awiting Tagalog. Hotdog brought new meaning to the lyrics and the songs became the social order of the day.

May 10 awitin na nakapaloob sa album: "Manila" na inawit ng Eraserheads; "Pers Lab" ni Cookie Chua; "Langit Na Naman" ng Barbie’s Cradle; "Beh Bote Nga" ng Parokya Ni Edgar; "Annie Batungbakal" ng Ascolto at marami pa.

Show comments