Ang pagbabalik ni Nora sa concert scene
October 17, 2001 | 12:00am
Lahat yata ng ginagawa o hindi ginagawa ni Nora Aunor ay isang isyu. Nagbebenta siya ng bahay at panay ang balita tungkol sa ikatlong bahay niyang tinitirhan at ipinagbibili. May balita kay Matet na hinahabol daw ng tunay na inaat apat yatang babae ang nagki-claim syempre kasali sa controversy ang superstar. Hindi maaaring hindi hingian ng opinyon si Nora at ayon nga sa kanya, ang tunay na ina raw ni Matet ay talagang carbon copy ng dalaga kaya kilala niya ang tunay na ina nito. Bukod dito, may lumalabas pang usap-usapan na galit si Nora kay Matet at ibubunyag ng superstar ang mga tunay na dahilan sa mga susunod na interviews. Inaabangan ito ng madla.
Hindi na yata matatapos ang mga isyu kay Nora. Nang hindi siya sumipot sa Star Awards For TV, may kakambal na isyu tungkol doon. Sumama umano ang loob sa kanya ng mga miyembro ng PMPC dahil sa ginawa niyang ito. Pero ayon kay Nora, kung magtampo man sa kanya ang mga ito ay may mga pansariling dahilan din siya upang sumama rin ang kanyang loob sa mga ito. Sobra na raw ang pagpo-promote ni Nora sa kanyang concert dahil lahat ng shows, nagpapa-interview siya at madali raw ngayong magpa-schedule, hindi ka na pinaghihintay ng mahabang panahon. At mas vocal siya ngayon sa kanyang mga interviews, hindi tulad noon na puro no comment o pag-iwas sa topic ang kanyang ginagawa. Ngayon ay mas madaldal siya kung ini-interview.
Sa pagbabalik ni Nora sa concert scene, natural kailangan kabahan kahit konti ang mga tinatawag na diva, di ba? Sabihin na nating nalampasan na ni Nora ang tuktok ng kasikatan pero, may laban pa rin siya sa kantahan dahil sa emotional wallop ng kanyang mga awitin, kahit wala siya noong mga fancy high notes ni Regine Velasquez, Dessa o Lani Misalucha, pero sigurado ako na sa mga unang pasada pa lang ng "Kahit Na Magtiis" ay puputok na ang Music Museum sa palakpakan.
Nagampanan na niya halos lahat ng klase ng role sa pelikula at ayon kay Nora, nais naman niyang gampanan ngayon ay iyong papel na tipong bida-kontrabida. Hindi na iyong masyadong api-apihan na madalas niyang maging role sa pelikula.
Panahon yata ngayon ng mga comebacking stars. Si Mark Anthony Fernandez ay may bagong pelikula. Si Raven Villanueva, puwede na raw sa sexy at bold roles. Babalik na rin sa pagiging aktibong movie star si Angelika dela Cruz at may pelikula sila ni Robin Padilla under Viva Films. Balik pelikula na rin si Sharon Cuneta. Matagal ding nawala sa big screen ang Megastar. Kapapalabas lamang ng La Vida Rosa ni Rosanna Roces na mahigit din isang taong walang movie.
Bakit kaya ginagawa pang isyu ang pagbu-bold ng mga artista, eh hindi naman mapigil ang mga producers sa paggawa ng bold at bawat starlet na gustong magkaroon ng konting publisidad, lagi namang ang pagbu-bold ang ginagawang pamamaraan. Kahit araw-gabi ang pagbobomba ng mga Amerikano sa Taliban, wala rin patid ang balita tungkol sa mga aktres na gustong mag-bold tulad ni Raven na hindi pa man tunay na aktres ay susubukan nang mag-bold. Pati mga lalaki tulad ni Mark Anthony ay may mga promo shots na sexy. Ito na nga yata ang panahon ng sex and nudity at bold self-expressions sa media. Maging sa mga womens magazine tulad ng local version ng American magazine gaya ng Cosmopolitan ay mga sex positions ay dini-describe at naka-illustrate na parang libro ng Kama Sutra.
Sex movies pa rin ang pinaka-popular na project ng local movie industry. Napapansin naman nating tila quiet ang mga big name action kings. Si Bong Revilla ay sa comedy na humihirit at nanalo pa nga ng best comedy actor sa nakaraang Star Awards. Ganoon din si Raymart Santiago na dati ay action ang target.
Nakakapagtaka nga ang dalang ng mga action movie sa kasalukuyan samantalang bukod sa giyera sa Afghanistan ay punumpuno ang diyaryo ng mga crime stories na puwedeng maging basehan ng big action movies. Madalas ang kidnap for ransom, madalas ang kaso tungkol sa katiwalian sa gobyerno. Usung-uso pa rin at lalong lumalaganap ang isyu ng droga sa bansa.
Usong-uso nga raw ngayon sa mga kabataan ng entertainment world ang bagong designer drug na Ecstacy na imported pa raw from Thailand at libo ang halaga bawat pill or capsule.
Tulad din noong araw, walang umaamin na sila ay mga Ecstacy addict. Subok lang daw ang iba, just to have an experience pero hindi sila mga sugapa. Noon, wala ring mga artista ang umaamin sa kanilang addiction. Ang mga bold stars din daw ngayon ay addict sa shabu at gumagamit sila nito upang lalong lumakas ang kanilang loob sa paghuhubad. Nakakabawas daw ng kaba at hiya sa sarili. Ang Ecstacy naman daw ay sobrang saya ang iyong pakiramdam na hindi angkop sa sitwasyong iyong kinapapalooban. The most you can get to admit is that they tried the drug once to experiment and have given up the habit because they know it is bad for their health and their careers.
Email: [email protected].
Hindi na yata matatapos ang mga isyu kay Nora. Nang hindi siya sumipot sa Star Awards For TV, may kakambal na isyu tungkol doon. Sumama umano ang loob sa kanya ng mga miyembro ng PMPC dahil sa ginawa niyang ito. Pero ayon kay Nora, kung magtampo man sa kanya ang mga ito ay may mga pansariling dahilan din siya upang sumama rin ang kanyang loob sa mga ito. Sobra na raw ang pagpo-promote ni Nora sa kanyang concert dahil lahat ng shows, nagpapa-interview siya at madali raw ngayong magpa-schedule, hindi ka na pinaghihintay ng mahabang panahon. At mas vocal siya ngayon sa kanyang mga interviews, hindi tulad noon na puro no comment o pag-iwas sa topic ang kanyang ginagawa. Ngayon ay mas madaldal siya kung ini-interview.
Sa pagbabalik ni Nora sa concert scene, natural kailangan kabahan kahit konti ang mga tinatawag na diva, di ba? Sabihin na nating nalampasan na ni Nora ang tuktok ng kasikatan pero, may laban pa rin siya sa kantahan dahil sa emotional wallop ng kanyang mga awitin, kahit wala siya noong mga fancy high notes ni Regine Velasquez, Dessa o Lani Misalucha, pero sigurado ako na sa mga unang pasada pa lang ng "Kahit Na Magtiis" ay puputok na ang Music Museum sa palakpakan.
Nagampanan na niya halos lahat ng klase ng role sa pelikula at ayon kay Nora, nais naman niyang gampanan ngayon ay iyong papel na tipong bida-kontrabida. Hindi na iyong masyadong api-apihan na madalas niyang maging role sa pelikula.
Sex movies pa rin ang pinaka-popular na project ng local movie industry. Napapansin naman nating tila quiet ang mga big name action kings. Si Bong Revilla ay sa comedy na humihirit at nanalo pa nga ng best comedy actor sa nakaraang Star Awards. Ganoon din si Raymart Santiago na dati ay action ang target.
Usong-uso nga raw ngayon sa mga kabataan ng entertainment world ang bagong designer drug na Ecstacy na imported pa raw from Thailand at libo ang halaga bawat pill or capsule.
Tulad din noong araw, walang umaamin na sila ay mga Ecstacy addict. Subok lang daw ang iba, just to have an experience pero hindi sila mga sugapa. Noon, wala ring mga artista ang umaamin sa kanilang addiction. Ang mga bold stars din daw ngayon ay addict sa shabu at gumagamit sila nito upang lalong lumakas ang kanilang loob sa paghuhubad. Nakakabawas daw ng kaba at hiya sa sarili. Ang Ecstacy naman daw ay sobrang saya ang iyong pakiramdam na hindi angkop sa sitwasyong iyong kinapapalooban. The most you can get to admit is that they tried the drug once to experiment and have given up the habit because they know it is bad for their health and their careers.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am