^

PSN Showbiz

Ayos na ang dalawang bold stars

-
Nagkausap at nagkaayos na rin sina Rica Peralejo at Assunta de Rossi, ang dalawa sa pinakamainit nating bold stars sa kasalukuyan.

Nagkalinawan na rin ang dalawa na hindi totoo ang sumbatan at pag-alipusta nila sa isa’t isa. Na hindi totoong sinabihan ni Rica si Assunta na mukhang katulong. Na maitim si Assunta at flawless siya sa kaputian? Na sinabihan daw ni Assunta si Rica na kamukha ni Cynthia Luster at pang-action star ang beauty nito.

Nagkaroon din nang linaw ang intrigang sinabihan daw ni Assunta si Rica na Flopsina Queen ito. And that, ang umano’y sinabi ni Assunta na intact pa rin ang virginity niya kumpara kay Rica.

"Sa rami ng mga lumabas na sinabi ko raw, ang feeling ko ’pag nagkasalubong kami ni Rica ay baka bigla na lang niya akong sampalin. Sa totoo lang, sobra talaga ‘yung mga lumabas na sinabi ko raw against her!

"Mabuti na lang at nagkaroon kami ng chance na magkausap. At least, nasabi ko sa kanya na ang lahat ng lumalabas ay gawa-gawa lang. That some people are just putting worlds into my mouth," sabi pa ni Assunta.

"Nung una pa naman, naniniwala akong never na magsasalita nang gano’n si Assunta. I know na may pinag-aralan din siya. Kaya nga sabi ko, mas mabuting magkausap muna kami. Mahirap na kasi ‘yung makikinig ka sa mga sabi-sabi lang," sabi naman ni Rica.

Pero ano nga raw ba ang masasabi ni Assunta sa isang TV survey kung saan si Rica ang lumabas na pinaka-class at sosyal na bold star sa kasalukuyan? ‘Di ba’t may claim ang kampo ni Assunta na ang manok nila ang pinaka-sosi na hubadera?Robert Perez

ASSUNTA

CYNTHIA LUSTER

FLOPSINA QUEEN

KAYA

MAHIRAP

NAGKALINAWAN

NAGKAROON

RICA

RICA PERALEJO

ROBERT PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with