May time rin na napi-feel niya ang tongue ni Mark sa kissing scene nila. "Pero ganoon lang dahil siyempre iniisip mo, maraming nanonood. Saka hindi puwede no," sabay tili ni Rica after the presscon over lunch in Anabells.
Much bolder Rica ang mapapanood sa Dos Ekis. Aside from boobs, ipinakita na rin niya rito ang butt niya na base sa kuwento ni Rica, kahit madilim ang buong set, kitang-kita pa rin ito dahil sobrang puti. "Yun kasi yung part ng body natin na hindi naaarawan, hindi nagta-tan kahit anong gawin mo, always nakatago kasi," she says.
Pero believe it or not, hindi siya nagpaalam sa boyfriend niyang si Bernard Palanca na may mga ganoon siyang eksena with Mark sa nasabing pelikula. Before pa kasi ay meron na silang agreement na walang arguments pagdating sa career niya. "Alam naman niya kung anong priority ko. Alam din niya na pag nag-argument kami tungkol don, alam na niya ang mangyayari," she explains.
Anyway, ayaw nang mag-comment ni Rica sa ginagawang comparison sa kanila ni Jolina Magdangal. May mga nagsasabi kasing hindi naman totoong si Assunta de Rossi o Joyce Jimenez ang kalaban niya sa career niya kundi ang dati niyang kapanabayan na si Jolina Magdangal. Pero as much as possible, ina-avoid ni Rica na pag-usapan yun at maging ng ibang bold actress for that matter.
Tungkol naman sa issue na kung threat sa kanya si Raven Villanueva na nagbabalik pelikula sa Dos Ekis after two years of absence at batchmate niya sa TGIS, big no ang answer ni Rica. "Hindi talaga. As long as makakaganda sa kabuuan ng pelikula ang presence ng kahit sinong kasama ko, walang issue tungkol don. Saka magkaibigan naman kami ni Raven kaya huwag na po kaming intrigahin," sabi pa ng actress.
Besides close naman sila during the time na magkasama sila sa TGIS kaya walang dapat pag-usapan.
Anyway, wala si Mark during the presscon. Plano kasi ng Viva na i-focus ang nasabing presscon sa dalawa at plano rin nilang i-establish ang career ni Raven dahil sooner or later ila-launch na siya (Raven) bilang solo star via Boso.
In any case, in Dos Ekis, Rica plays a stripper. Kaya naman kinailangan niyang mag-burlesk dance like what Vilma Santos did in Burlesk Queen. "Direk Erik Matti is my Tatay-Tatayan at confident ako that whatever he asked me to do ay para sa ikagaganda ng pelikula. Nasa takbo talaga ng kuwento ng pelikula," she avers.
Also in the movie are John Arcilla, Celso Ad Castillo, Ricardo Cepeda and Kokoy Jimenez.
The movie is set to kick-off on October 26 under Viva Films.
Nakilalang bold actor si Gardo. Pero ngayon, feeling niya graduate na siya sa bold role.
The last time na napanood siya sa pelikula, two years ago pa - with Maricel Soriano. "Oo nga eh. May mga offer naman, pero lahat bold. Pinangatawanan ko na kasi yung sinabi ko na ayoko nang mag-bold kaya hindi ko tinanggap," he avers.
Pero hindi naman siya totally nawala sa eksena dahil regular naman siyang napapanood sa mga TV show ng Channel 2 & 7. "Okey na sa akin yun. At least naka-graduate na ako sa bold image," he adds.
Anyway, okey lang. Busy naman siya sa pagma-manage ng kanyang construction business. "Ganoon na lang ang iniisip ko. Pero nakaka-miss din yung shooting. Parang hinahanap-hanap ng katawan ko. Yung trabaho na tipong hanggang umaga tapos the following day kailangan mong mag-trabaho uli.
"Pero sa kabilang banda, okey din. Normal ang takbo ng buhay ko," he explains.
In any case, action movie ang Aagos Ang Dugo. Marami siyang hard action scene sa pelikulang ito na naka-schedule ipalabas sa Metro Manila theaters tomorrow, Wednesday.
Hindi lang kasi magaling na singer si Marissa. Magaling din siyang komedyante. At yun ang advantage niya sa ibang singer or sa ibang komedyante.
Bata pa lang si Marissa nang ma-realize niya na puwede siyang comedian. "Kasi non, everytime na may reunion sa family namin, ako yung nagpapatawa sa kanila," she says sa isang previous interview.
Anyway, for the nth time, nag-explain si Marissa sa issue na kaya siya nawala sa MTB ay dahil pumasok si Ai-Ai delas Alas. "Actually, si Kristine ang pinalitan niya hindi ako," she says. Nagkataon lang daw na naging busy siya sa shooting ng Anong Meron Ka starring Joyce Jimenez and Diether Ocampo. Big kasi ang role niya dito. "Actually, ito yung movie na malaki ang role ko as in mahaba," she says.
Ano Bang Meron Ka is under the direction of Maryo J delos Reyes for Regal Films.