Bold actor, may dalawang anak na!
October 15, 2001 | 12:00am
Nakakagulat ang pagbabalik-pelikula ni Francis Enriquez. Sa loob ng ilang buwan lang, nakagawa na siya ng limang pelikula at isa nga rito ang bida siya, leading man ni Via Veloso sa Hiyas Sa Paraiso Ng Kasalanan.
Sabi ni Francis, masaya siya sa nangyayari sa career niya ngayon, sa tulong ng manager niyang si Lito de Guzman, ex-manager, Ramon Yuson at Rodel Fernando ng Leo Films. "At least ngayon, kahit pahirapan ang projects, yung mga minimithi ko natutupad. As an actor, gusto ko ring makakuha ng award someday. At least, ngayon kahit papaano, nagbibida na ako, pang-mature role na ang naibibigay sa akin."
Yung singing career niya ay patuloy pa rin at doon, nakilala siya bilang si Franz Llanes. "Pareho rin naman yung screen name ko sa singing ko, dahil Francis Llanes Enriquez ako sa tunay na buhay," pahayag ng 26 anyos na actor-singer. "Nagagamit ko naman yung pagkanta ko sa abroad. This November, papunta akong Japan, kakanta ako roon, ipo-promote ko yung self-titled album ko, ang carrier single, "Miss na Miss na Kita."
Kung kailan gumaganda ang acting career niya, saka siya aalis? "Naka-schedule na, eh. For six months, nilakad ko ang papers ko, practice ako nang practice kumanta. Sayang din ang singing career ko pag kinalimutan ko. Saka practically, mas malaki ang bayad. Anyway, pagbalik ko next year, March or April, eh di gagawa ako ulit ng pelikula and hopefully, sa tulong ni Ramon, magkaroon na ako ng soap opera, gusto ko sana, sa Pangako Sa Yo o isang sitcom."
Sabi ni Francis, todong tulong ang ginagawa ng ex-manager niya sa kanya mula nang patawarin niya ito. "Humingi kasi siya ng tawad. Pero hindi ko malilimot yung ginawa niyang pananaksak sa akin dahil tuwing titingnan ko sa salamin tong peklat sa balikat ko, sa braso ko, sa likod ko, tatak na yon. Parang nakaguhit na yon sa buhay ko."
Nagsimula si Francis sa pelikula noong 1989, sa Abracadabra ng Mahogany. "Pero ang hindi ko malilimutang pelikula ay yung Delinkuwente kung saan ako unang nakilala dahil sa nude pictures ko, butt lang ang ipinakita ko, Hawakan Mo Ako dahil ang ganda ng view ng location at Magic Combat dahil bad boy ang role ko na nanliligaw kay Beth Tamayo."
May ka-live-in si Francis kung saan siya may dalawang anak. Edad 5 at 7. Parehong lalake. "Yung family ko ang nagpapa-inspire sa akin sa career ko. Sila ang dahilan kung bakit nagsisipag ako nang ganito. Nitong magbida na ako sa Hiyas Sa Paraiso Ng Kasalanan alam ko, bahagi sila ng tagumpay ko."
Marami ang natutuwa dahil loveless ngayon si Anna Dizon. Noon kasing medyo hindi na siya visible sa entertainment scene matapos ang MTV launching niya sa Virgin Cafe noong 1999, sa kanyang lovelife siya todo-todong nag-concentrate. "Hindi naman," sabi niya sa ATD office niya sa Balintawak noong isang linggo. "I just needed a rest, natagalan nga lang kasi nag-European tour ako, pagbalik ko, yung mga business ko naman ang inasikaso ko."
Ayon kay Anna na lalong naging attractive ngayon, nakaka-inspire din yung may minamahal. Pero lahat ng bagay ay may limitasyon, kaya sa singing career niya muna siya nakatutok muli kung saan ipino-promote niya ang isa pang kanta sa kanyang album, "A Dream, A Reality," ang kantang "Thanks For Being A Friend" na sinulat ni Nonoy Tan, areglo ni Marc Lopez. Ang kantang ito ay unang ibinigay ni Nonoy sa Alpha para kay Nora Aunor. Pero ang nangyari, hindi ito agad nirekord ng superstar. Kaya ang unang nagsaplaka nito ay si Anna, noong 1997. Dalawang taon, pagkatapos, saka nirekord ni Ate Guy.
How would Anna describe herself as a friend? "Pag kaibigan ko, talagang kaibigan ko, minamahal, dinidipensa, iniintindi, inuunawa. Ang ayoko sa kabigan, yung sinisira yung tiwala ko sa kanya. Ayoko yung kung anu-ano ang sinasabi sa akin, pagtalikod ko. Saka sa lahat ng ayoko, yung pinipintasan ako! Ako yung kaibigan na hindi nang-iiwan and modesty aside, I am generous to a friend."
Ang pagiging generous ni Anna ay kitang-kita sa pamimigay niya ng christmas gifts sa tinitirhan niya, sa Barangay Sto. Cristo, Bonifacio, Balintawak, Quezon City. May 200 pamilya ito kaya ngayon pa lang Oktubre, nagsisimula na ang staff niya ng pagbabalot ng regalo. "Iba ang feeling ko pag nakakatulong ako sa tao, lalo na tuwing Pasko," sabi niya. Ang extension ng pagtulong niya ay hanggang sa pagpapatayo niya ng Home for the Aged lalo na sa mga taong single o walang kamag-anak na kumukupkop. Nakabili na siya ng lote sa Fairview para sa proyektong ito. At kailan masusundan ang una niyang LP? "Hopefully, early next year matapos ang album for release. It contains variety of songs, from tittilating to peaceful songs and love songs with happy ending. Ayoko na ng love song na nakakaiyak ang ending."
Sabi ni Francis, masaya siya sa nangyayari sa career niya ngayon, sa tulong ng manager niyang si Lito de Guzman, ex-manager, Ramon Yuson at Rodel Fernando ng Leo Films. "At least ngayon, kahit pahirapan ang projects, yung mga minimithi ko natutupad. As an actor, gusto ko ring makakuha ng award someday. At least, ngayon kahit papaano, nagbibida na ako, pang-mature role na ang naibibigay sa akin."
Yung singing career niya ay patuloy pa rin at doon, nakilala siya bilang si Franz Llanes. "Pareho rin naman yung screen name ko sa singing ko, dahil Francis Llanes Enriquez ako sa tunay na buhay," pahayag ng 26 anyos na actor-singer. "Nagagamit ko naman yung pagkanta ko sa abroad. This November, papunta akong Japan, kakanta ako roon, ipo-promote ko yung self-titled album ko, ang carrier single, "Miss na Miss na Kita."
Kung kailan gumaganda ang acting career niya, saka siya aalis? "Naka-schedule na, eh. For six months, nilakad ko ang papers ko, practice ako nang practice kumanta. Sayang din ang singing career ko pag kinalimutan ko. Saka practically, mas malaki ang bayad. Anyway, pagbalik ko next year, March or April, eh di gagawa ako ulit ng pelikula and hopefully, sa tulong ni Ramon, magkaroon na ako ng soap opera, gusto ko sana, sa Pangako Sa Yo o isang sitcom."
Sabi ni Francis, todong tulong ang ginagawa ng ex-manager niya sa kanya mula nang patawarin niya ito. "Humingi kasi siya ng tawad. Pero hindi ko malilimot yung ginawa niyang pananaksak sa akin dahil tuwing titingnan ko sa salamin tong peklat sa balikat ko, sa braso ko, sa likod ko, tatak na yon. Parang nakaguhit na yon sa buhay ko."
Nagsimula si Francis sa pelikula noong 1989, sa Abracadabra ng Mahogany. "Pero ang hindi ko malilimutang pelikula ay yung Delinkuwente kung saan ako unang nakilala dahil sa nude pictures ko, butt lang ang ipinakita ko, Hawakan Mo Ako dahil ang ganda ng view ng location at Magic Combat dahil bad boy ang role ko na nanliligaw kay Beth Tamayo."
May ka-live-in si Francis kung saan siya may dalawang anak. Edad 5 at 7. Parehong lalake. "Yung family ko ang nagpapa-inspire sa akin sa career ko. Sila ang dahilan kung bakit nagsisipag ako nang ganito. Nitong magbida na ako sa Hiyas Sa Paraiso Ng Kasalanan alam ko, bahagi sila ng tagumpay ko."
Ayon kay Anna na lalong naging attractive ngayon, nakaka-inspire din yung may minamahal. Pero lahat ng bagay ay may limitasyon, kaya sa singing career niya muna siya nakatutok muli kung saan ipino-promote niya ang isa pang kanta sa kanyang album, "A Dream, A Reality," ang kantang "Thanks For Being A Friend" na sinulat ni Nonoy Tan, areglo ni Marc Lopez. Ang kantang ito ay unang ibinigay ni Nonoy sa Alpha para kay Nora Aunor. Pero ang nangyari, hindi ito agad nirekord ng superstar. Kaya ang unang nagsaplaka nito ay si Anna, noong 1997. Dalawang taon, pagkatapos, saka nirekord ni Ate Guy.
How would Anna describe herself as a friend? "Pag kaibigan ko, talagang kaibigan ko, minamahal, dinidipensa, iniintindi, inuunawa. Ang ayoko sa kabigan, yung sinisira yung tiwala ko sa kanya. Ayoko yung kung anu-ano ang sinasabi sa akin, pagtalikod ko. Saka sa lahat ng ayoko, yung pinipintasan ako! Ako yung kaibigan na hindi nang-iiwan and modesty aside, I am generous to a friend."
Ang pagiging generous ni Anna ay kitang-kita sa pamimigay niya ng christmas gifts sa tinitirhan niya, sa Barangay Sto. Cristo, Bonifacio, Balintawak, Quezon City. May 200 pamilya ito kaya ngayon pa lang Oktubre, nagsisimula na ang staff niya ng pagbabalot ng regalo. "Iba ang feeling ko pag nakakatulong ako sa tao, lalo na tuwing Pasko," sabi niya. Ang extension ng pagtulong niya ay hanggang sa pagpapatayo niya ng Home for the Aged lalo na sa mga taong single o walang kamag-anak na kumukupkop. Nakabili na siya ng lote sa Fairview para sa proyektong ito. At kailan masusundan ang una niyang LP? "Hopefully, early next year matapos ang album for release. It contains variety of songs, from tittilating to peaceful songs and love songs with happy ending. Ayoko na ng love song na nakakaiyak ang ending."
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended