^

PSN Showbiz

Kristine, kay Jericho lang magpapahalik!

- Veronica R. Samio -
Marami ang naniniwala na malaki ang magiging epekto ng desisyon ni Kristine Hermosa na huwag munang tumanggap ng kissing scene kung hindi lamang kay Jericho Rosales.

Katunayan, ngayon pa lamang ay marami na ang nagsasabi na hindi niya desisyon ito kundi kay Echo. At obviously raw, talagang may unawaan na sila para magkaroon si Echo ng say sa career ni Kristine. Kung sabagay ay kulang na lamang ay aminin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Sa presscon ng kanilang pelikulang Trip ay ito ang maliwanag na ibinabadya ng kanilang mga kilos at sinasabi. Feeling ko tuloy ay nanonood ako ng isang pelikulang bagets, habang panay ang pagsasabi nila ng matatamis na salita sa isa’t isa ay nagsasaya ang kanilang mga co-stars sa movie.

Ang Trip ay isang star-studded movie tungkol sa biyahe na ginawa ng mga bagets during a semestral break. Sa biyaheng ito, na-realize ng mga kabataan na hindi na sila mga bata kundi mga totoong adult na in the real world.

Starring sina Marvin Agustin, John Pratts, Heart Evangelista, Paolo Contis, Onemig Bondoc, Desiree del Valle at Julia Clarete sa ilalim ng direksyon ni Gilbert Perez.
*****
Feel ni John Pratts na kasama rin sa Trip ay di pa siya handa sa mga mature roles. "Feeling ko baby pa ako," sabi niya during the presscon of the movie. "Pero, kung ang tipo ng movie ay parang American Pie, okay lang, lalo’t maha-handle ito ng maayos ng direktor. Ang ayaw ko ay yung tipo ng bold movie na ginagawa dito sa atin na hindi lamang ang tema ang mature kundi maging ang role," dagdag pa niya.

Inamin ni John na crush na crush niya si Joyce Jimenez. Lalo siyang na-in love dito nang makilala niya ito ng personal. "Parang ka-age ko lang siya," say niya.

Inamin niya na mas madali siyang ma-attract sa older women kaysa sa mga ka-edad niya. "Gusto kong may matutunan sa kanila,’ paliwanag niya.

At seventeen, graduating na siya ng high school sa ABS-CBN Distance Learning Center. "Gusto kong kumuha sa college ng Business Entrepreneurship," dagdag niya.
*****
Sa grupo ng mga kabataang artista natin ngayon, isa si Janus del Prado sa maituturing na magaling na artista. Hindi marahil sa kategorya nina Jericho Rosales at John Lloyd Cruz sapagkat higit na nakakabata siya sa kanila sa edad na 16.

Drama ang forte niya bagaman at sa isang teen-oriented show siya regular na napapanood, ang G-mik. Siya ang payaso ng kanyang barkada bagaman at mayroon din siyang pansariling problema na maituturing na seryoso rin.

Kasalukuyan niyang ginagawa ang Yamashita sa direksyon ni Chito Roño.

Sinabi ni Janus na hindi siya nagmamadaling sumikat. Sapat na sa kanya yung marami na ang nakakikilala at nakababatid ng kanyang talino sa pag-arte. "Tama na muna sa akin yung mayroon akong mga projects. Aware ako na mahigpit ang kumpitensya ngayon," sabi niya.

Kagagaling lamang niya sa Pangasinan para sa isang show na kung saan ay nagkagulo ang mga manonood para lamang makadaupang palad siya at makapag-papirma ng autograph.

AMERICAN PIE

BUSINESS ENTREPRENEURSHIP

CHITO RO

DISTANCE LEARNING CENTER

JERICHO ROSALES

JOHN PRATTS

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with