^

PSN Showbiz

Ricky B., may naiwang movie!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Wala namang conflict sa ABS-CBN ang pagho-host ni Edu Manzano ng The Weakest Link sa Viva TV - Channel 13. May nagtanong kasi kung okey sa Dos dahil regular character siya sa Sa Puso Ko Iingatan Ka.

Mismong si Edu ang nagsabi na okey lang dahil hindi naman sabay at game show naman ito.

Anyway, first and only choice si Edu para mag-host sa The Weakest Link na mag-start mag-air on Monday, October 15, 9:30 p.m. "His quick wit and sense of humor are ideally suited to the demanding job of the host of this show. With him on board, I believe that TWL will be every bit as successful as Who Wants To Be A Millionaire," Viva TV Executive producer Veronique del Rosario-Corpus says.

Pero ibang Edu ang mapapanood dito. Hindi siya puwedeng tumawa at isang design ng suit ang puwede niyang gamitin. Kailangang mabilis din ang tanong niya sa eight contestants compared to Millionaire na may time mag-isip ang mga contestant. "Hindi siya puwedeng magpatawa rito. Kailangan consistent ang pagiging seryoso niya," June Rufino avers.

Ang TWL lang ang rival ng Who Wants To Be A Millionaire pagdating sa audience appeal sa UK. Kaya naman sa presscon pa lang ay may nagsasabi na baka hindi maiwasan ang comparison between Edu and Christopher de Leon. "I doubt it. Saka okey naman si Boyet," simpleng sagot ni Edu.

June of 2000 lang nang simulan ang TWL sa UK - BBC Channel 2, sinasabing ito ang cross between Survivor and Millionaire.

In any case, one million ang offer ng TWL sa walong contestant per round.

Tulad ng Millionaire, ang contestant ng TWL ay manggagaling all over the country at magi-stay sa Bayview Hotel.

Para mag-join tumawag lang sa special PLDT phone line, 1-908-1-800-800. All contestant must be Filipinos aged 18 years old and above.

Edu started in showbiz bilang movie actor and has appeared in many memorable roles. Kabilang dito ang Contreras, Ama, Ina, Anak, Palimos ng Pag-ibig at Anong Kulay ng Pag-ibig. Kasalukuyan niyang sino-shooting ang Tatarin for Viva Films.
*****
May natapos palang pelikula si Ricky Belmonte bago siya tuluyang namaalam last two weeks ago. Titled Talipandas starring Elizabeth Oropesa under the direction of Joven Tan for FLT Films. Mismong si Direk Joven ang nag-kuwento tungkol sa nasabing pelikula na naka-schedule mapanood sa Metro Manila theaters sa November 4. "Actually nagsabi pa siya sa akin na may istorya siya na gagawin naming pelikula. ‘Tepok Queen’ daw ang title na story ng mga kabit na matetepok, ‘yun pala siya ang mawawala," recalls Joven after the presscon of Naked Nights (Malayo Pa Ang Umaga) starring Aya Medel, Anita Linda, Pinky Amador among others.

Pang-fifth directorial job ni Joven ang Talipandas. "Malungkot na siya nang sabihin niya sa akin ‘yun. Actually, may naghula, I forgot kung sino na may isang pelikula ang FLT na mamamatay ang artista. Nagkatotoo kay Ricky," Joven avers.

Anyway, two years ago nang mag-start mag-direk si Joven sa FLT. Graduate siya ng Masscom sa PUP. Naging editor ng fun magazine. Pero hindi nagtagal, binigyan siya ng break ng FLT na magdirek ng Tabi-Tabi Po. Hanggang gawin niya ang Halik ng Serena, Oras Na Para Lumaban, Naked Nights, Talipandas at kasalukuyan nga niyang tinatapos ang Kapitan Ambo (Outside de Kulambo) starring Eddie Garcia. " Bata pa lang talaga ako, parang pangarap ko nang maging director. Pero hindi ko ini-expect na ganoon kadali. I mean, feeling ko no’n pagna-reach ko ang 40 saka ako magdi-direk," kuwento ni Joven.

Isang malaking achievement sa kanya ang mai-direk si Eddie Garcia. "Nakaka-kaba no’ng una kasi direk lahat ang tawag nila kay tito Eddie, so parang nahihiya ako. Pero mabait siya at walang ere. Hindi niya pinakikita na siya si Eddie Garcia," Joven adds.

In any case, pang-adult ang Naked Nights. Ang pelikula ay tungkol din sa mga torera at ang hirap ng kanilang buhay na kasalukuyang nangyayari sa ilan nating kababayan. "Makikita nila rito ang buhay ng mga commercial sex workers," Joven says. Para itong Live Show na pinag-usapang pelikula noon dahil sa tema. "Ipakikita ko lang naman dito ang tunay na galaw ng mga torera," depensa ni Joven.

Approve na ng MTRCB ang nasabing pelikula kaya wala na silang problema sa pagpapalabas nito sa October 17.
*****
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected] / [email protected]

EDDIE GARCIA

EDU

JOVEN

NAKED NIGHTS

PERO

SIYA

TALIPANDAS

WEAKEST LINK

WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with