Hans at Mirriam na!
October 12, 2001 | 12:00am
Sinabi ni Hans Montenegro sa isang interbyu na nililigawan nga niya si Miriam Quiambao. Pero ayon sa mga observer, naniniwala sila na mag-on na ang dalawa. Kitang-kita ang kaligayahan sa kanya tuwing mababanggit ang dating beauty queen kung saan sinabi ng guwapong TV host na nagdi-date silang dalawa.
Inamin din ni Hans na naghiwalay na sila ng kanyang unang asawang si Cara Subijano na dating Bb. Pilipinas-World 94 noong pang June 2000. Maganda ang naging paghihiwalay nila at nanatili silang magkaibigan.
Sa October 29 ay magse-celebrate ng kanyang 20th birthday si Angelika dela Cruz. Ang birthday wish niya ngayong taon ay matuloy na ang malalaking proyektong gagawin niya sa Viva Films gaya ng pagtatambal nila ni Robin Padilla o ni Aga Muhlach.
Baka idaos ang birthday celebration niya sa Dish (Powerplant) at malaking suporta ang ibibigay ni Boss Vic del Rosario. Ngayon palang ay naghahanda na si Daddy Ernie kasama ang booking agent na si Jessica Rodriguez para maging memorable ang birthday nito. Suggestion ko nga kay Daddy Ernie na magkaroon ng malaking party na ang tutugtog ay ang bandang Freshmen Band na mina-manage din ni Daddy Ernie.
Sa edad na biente ay loveless pa rin ang aktres at naniniwala siya na mahirap pagsabayin ang career at pag-ibig. "Makapaghihintay naman ang pag-ibig at gusto kong ma-devote rin ang time ko sa aking family. Matagal din kaming nagkahiwalay ni mommy kaya ngayon ay bumabawi kami at mahal ko ang cute little sister na siyang sumasalubong kapag dumarating ako mula sa syuting o taping. Talagang nakakaalis ng pagod," aniya.
Ang kapatid niyang bunso ay anak ng kanyang mommy sa second husband nito pero hiwalay na ang dalawa.
Excited na si Isabel Granada dahil naiibang pelikula ang Aagos Ang Dugo at sumabak siya rito sa aksyon. Ayon sa direktor na si Mauro Guia Samonte, maaasahan ang magandang aktres sa pakikipagbarilan. May background din sa martial arts si Isa kaya marunong ng judo at karate.
Bukod sa aksyon ay mayroon ding sexy scenes ang aktres at Gardo Versoza.
Magaling na artista si Jay Manalo. Katunayan, maraming prodyuser ang gustong kumuha ng kanyang serbisyo. Kabilang dito ang Solar Films at Maverick Films. Naniniwala sila na mabigyan lang ng tamang proyekto ay gagawa ito ng malaking pangalan. Kaya lang hindi pa rin nawawala ang paninira ng ilang detractors tungkol sa kanyang attitude problem na umanoy nagbibigay siya ng sakit ng ulo sa direktor.
Freelancer na si Jay kaya naman may ginagawa siyang pelikula sa Regal Entertainment titled Hubog kasama sina Assunta at Alessandra de Rossi. Matapos ang syuting ay makikipag-meeting si Jay sa Maverick para gumawa ng pelikula.
Madaling pumasok. Imposibleng makalabas. Apat na estudyante ang nagkasundong gumimik ng ilang araw sa loob ng isang lumang tunnel. Nasiyahan naman sila sa kanilang ginawa pero nang silay mag-iimpake nay doon naganap ang pinakamasama at huli nilang bangungot! Magdasal nang todo, tawagin lahat ang mga santo at labanan ang demonyo sa pinakanakakatakot na pelikula sa taong ito, The Hole.
"Mahirap paniwalaan pero totoo," wika ng lead star na si Thora Birch (American Beauty). "Nabasa ko lahat ang mga artikulo na pinagbasihan ng writer para sa iskrip pero masyadong weird. Naniwala lang ako nang makausap ko ang bukod-tanging nakalabas sa lungga at ikinuwento ang nangyari. At nang ginagampanan ko na ang kanyang karakter ay naramdaman ko talaga ang takot na nararanasan nilang magkakaibigan. Dapat ay magsilbing aral ito sa mga kabataan na ang trip ay kakaiba."
May kitang US$66,420,000 hanggang sa kasalukuyan, ang nasabing movie ay itinuturing na pinakamatagumpay na produksyon ng isang independent company sa United Kingdom. Hindi inaasahan ng prodyuser na si Jeremy Bolt na patuloy pang tataas ang kita ng pelikula kung kayat nasabi niyang: "Kahit sa labas ng U.K. ay nagiging popular ang pelikula at sanay maakit din nito ang mga manonood sa US at sa iba pang panig ng mundo."
Sa Asya, ang The Hole ay unang ipapalabas sa Metro Manila sa pamamagitan ng Solar Films. Ipinagmamalaki ng company president na si Wilson Tieng na sila ang napili para mag-release ng pelikula sa Pilipinas. Ayon pa sa kanya: "Hindi madaling makuha ang distribution rights ng ganitong pelikula na may kahanga-hangang rekord sa bansang pinagmulan nito. Hindi lang pera ang usapan dito kundi kredibilidad."
Kinunan sa mismong pinangyarihan, ang The Hole ay pinangungunahan din nina Daniel Brocklebank, Embeth Davidtz, Keira Knightley at Desmond Harrington.
Inamin din ni Hans na naghiwalay na sila ng kanyang unang asawang si Cara Subijano na dating Bb. Pilipinas-World 94 noong pang June 2000. Maganda ang naging paghihiwalay nila at nanatili silang magkaibigan.
Baka idaos ang birthday celebration niya sa Dish (Powerplant) at malaking suporta ang ibibigay ni Boss Vic del Rosario. Ngayon palang ay naghahanda na si Daddy Ernie kasama ang booking agent na si Jessica Rodriguez para maging memorable ang birthday nito. Suggestion ko nga kay Daddy Ernie na magkaroon ng malaking party na ang tutugtog ay ang bandang Freshmen Band na mina-manage din ni Daddy Ernie.
Sa edad na biente ay loveless pa rin ang aktres at naniniwala siya na mahirap pagsabayin ang career at pag-ibig. "Makapaghihintay naman ang pag-ibig at gusto kong ma-devote rin ang time ko sa aking family. Matagal din kaming nagkahiwalay ni mommy kaya ngayon ay bumabawi kami at mahal ko ang cute little sister na siyang sumasalubong kapag dumarating ako mula sa syuting o taping. Talagang nakakaalis ng pagod," aniya.
Ang kapatid niyang bunso ay anak ng kanyang mommy sa second husband nito pero hiwalay na ang dalawa.
Bukod sa aksyon ay mayroon ding sexy scenes ang aktres at Gardo Versoza.
Freelancer na si Jay kaya naman may ginagawa siyang pelikula sa Regal Entertainment titled Hubog kasama sina Assunta at Alessandra de Rossi. Matapos ang syuting ay makikipag-meeting si Jay sa Maverick para gumawa ng pelikula.
"Mahirap paniwalaan pero totoo," wika ng lead star na si Thora Birch (American Beauty). "Nabasa ko lahat ang mga artikulo na pinagbasihan ng writer para sa iskrip pero masyadong weird. Naniwala lang ako nang makausap ko ang bukod-tanging nakalabas sa lungga at ikinuwento ang nangyari. At nang ginagampanan ko na ang kanyang karakter ay naramdaman ko talaga ang takot na nararanasan nilang magkakaibigan. Dapat ay magsilbing aral ito sa mga kabataan na ang trip ay kakaiba."
May kitang US$66,420,000 hanggang sa kasalukuyan, ang nasabing movie ay itinuturing na pinakamatagumpay na produksyon ng isang independent company sa United Kingdom. Hindi inaasahan ng prodyuser na si Jeremy Bolt na patuloy pang tataas ang kita ng pelikula kung kayat nasabi niyang: "Kahit sa labas ng U.K. ay nagiging popular ang pelikula at sanay maakit din nito ang mga manonood sa US at sa iba pang panig ng mundo."
Sa Asya, ang The Hole ay unang ipapalabas sa Metro Manila sa pamamagitan ng Solar Films. Ipinagmamalaki ng company president na si Wilson Tieng na sila ang napili para mag-release ng pelikula sa Pilipinas. Ayon pa sa kanya: "Hindi madaling makuha ang distribution rights ng ganitong pelikula na may kahanga-hangang rekord sa bansang pinagmulan nito. Hindi lang pera ang usapan dito kundi kredibilidad."
Kinunan sa mismong pinangyarihan, ang The Hole ay pinangungunahan din nina Daniel Brocklebank, Embeth Davidtz, Keira Knightley at Desmond Harrington.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended