Nakaka-apat na boyfriend na si Via
October 12, 2001 | 12:00am
Bukod sa Isla at Saranggani, itinuturing ni Via Veloso na memorable ang bago niyang pelikula ngayon, Hiyas sa Paraiso ng Kasalanan. "Sobra kasi ang ginawa ko rito. Nag-all-the-way talaga ako. Saka ngayon lang ako nagkaroon ng love scene sa pelikula na yung kapareha ko, hindi naglagay ng plaster! Naloka nga ako dahil mukhang tinablan si Francis Enriquez. Sabi ko nga, hello, shooting lang ito, pelikula lang ito!" sabi niya sa Leo Films office noong Sabado.
Prostitute ang papel ni Via sa Hiyas sa Paraiso ng Kasalanan. Ibinenta siya rito ni Lito Legaspi sa isang casa. Sa istorya, si Lito rin ang naka-divirginize sa kanya. Si Francis naman ay isang virgin na sinamahan ng tatay niyang si Charlie Davao sa isang casa at si Via ang napili nito.
Sabi ni Via, hindi na bago sa kanya ang ganitong klaseng papel. "Ang dream role ko, yung makaganap bilang tomboy o lesbian. Gusto kong maranasan yung feeling ng isang babae na may pusong lalaki. Mas type ko yung tomboy na babaeng-babae ang dating, hindi yung lantad na mukhang lalaki, tapos, yung hindi niya mailabas na lalaki pala siya sa loob."
Bilang sexy star, may pangarap siyang eksena. "Gusto ko, yung naka-nude ako, ang buong katawan ko, puro honey, tapos nakahiga in a bed of roses, parang eksena sa pelikulang American Beauty." Sabi ni Via, karaniwan na sa mga pelikulang Tagalog ang pinaghuhubad ang isang sexy star. "Pumapayag lang naman ako na mag-frontal kung talagang naka-pokus sa akin ang istorya, yung pelikula mismo. Nakilala na ako bilang sexy star, kaya ganito ang offer sa akin sa movies. Pero siguro, when I reach the age of 25, I am 21 now, ga-graduate na rin ako sa pagbo-bold. Ngayon, meron nga akong soap opera, Sana, Ikaw Na Nga, secretary ako ni Dingdong Dantes, kontrabida ang role ko, ang labanan dito, acting na hindi katawan lang. At least, in television, ibang-iba ang papel na nagagampanan ko."
Masaya si Via nang hapon na iyon. Iba kasi yung may boyfriend, sabi niya. Ang tinutukoy niya ay si Rafael Santos ng Socsargen team sa MBA. "Two months pa lang kami ni Rafael, pero so far, so good. Mabait siya."
Naniniwala ba siya sa pre-marital sex? "Okey lang. Kasi, nasa 90s na tayo ngayon. We have to move forward, not backward. May advantages naman ang pre-marital sex. Matututo kang maging maingat sa sarili mo. Ang hirap kasi yung tago ka nang tago, pero nabubuntis ka naman. Sa pre-marital sex, malalaman mo rin kung sexually compatible kayong mag-boyfriend. Ang problema sa mga lalaki, gusto nila ng virgin at the same time, gusto rin nila ng pre-marital sex. Suwerte ang feeling nila pag virgin ang nakuha nila dahil sila yung nakauna. Mas alam ng lalaki kung virgin pa ang babae kaysa yung babae, kung virgin pa ang lalaki. Wala pa akong karanasan sa isang lalaking virgin pa. Ang idea ko ng isang virgin, yung gaya nina Carlo Aquino at John Pratts. Sa tingin ko, virgin pa sila.
"Hindi ako makasubok ng isang virgin na lalaki sa punto ng idea ko of a virgin dahil hindi ako mahilig sa mga bata. Ang type ko kasi, yung matatanda yung 7 years older than me. Attracted ako sa matatangkad, magandang magdala ng damit, may hitsura pero hindi naman super-guwapo. Type ko yung mga lalaking mukhang rapist, yung malakas ang dating."
Ika-apat na boyfriend na ni Via si Rafael Santos. "Ang una kong boyfriend, noong third year high school pa lang ako. Yung second, taga-province din, fourth year high school ako noon. Third boyfriend ko si Alex Ortega. Tumagal ng 4 1/2 years yung relasyon namin. Naghiwalay kami nang mangampanya na siya sa pulitika sa Baguio City. Wala na kasi kaming communication. Siguro, sa sobrang tagal ng relasyon namin bilang mag-boyfriend, nagkasawaan kami. Nitong huli, niyaya niya akong pakasal. Umayaw ako. Bata pa ako para mag-asawa. Kung may regrets ako sa separation namin? "Wala. Hindi na masakit, gaya ng dati."
Sabi ni Via, napapagsabay niya ang lovelife niya at career. "Kasi, may career din ang boyfriend ko. Kung busy ako sa pelikula, busy din siya sa basketball. Pero pag pareho kaming free, we go out together. Pareho kaming inspired sa career namin. Nagagawa niyang maiba sa mga kasamahan niya. Ako, iisa lang ang pinagkakaiba ko sa ibang sexy stars, sabi nila, ako lang yung talagang flawless. Nakaka-flatter kahit tsika lang. Happy ako sa bansag na "Flawless Queen" sa akin. Yung pagiging sexy star ko, lalong lumulutang."
Sinu-sino para kay Via ang three sexiest actors? "Ang talagang naseseksihan ako, unang-una, si Jomari Yllana. Gusto ko yung color ng skin niya, moreno. Saka matagal ko na siyang crush. Ikalawang naseseksihan ako, si Albert Martinez. Guwapo siya at malinis tingnan. Ikatlo, si Raymond Bagatsing. Malakas ang dating niya. Saka malaki ang katawan."
Hindi ba siya naseseksihan kay Francis Enriquez na partner niya sa Hiyas sa Paraiso ng Kasalanan? "Balbonic kasi siya, eh. Hindi ko type yung lalakeng masyadong mabuhok."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended