^

PSN Showbiz

P1-M ba ang halaga ng beauty mo?

- Veronica R. Samio -
Ang Wellcom-Ms. Global Queen Philippines 2001 na marahil ang beauty contest na nagbibigay ng pinaka-malaking premyo sa mananalo – 1 milyong piso. Ang mananalo ng titulo ay mabibigyan din ng pagkakataon na maging pinaka-most photographed and celebrated personality sa entertainment at fashion.

Ang pakontes ay isang konsepto ng Wellcom Supermarket, ang pinaka-malaking telecommunications supermarket sa buong bansa. Layunin nito na palaganapin ang human values sa industriya ng telecommunications.

Ang mga napiling kandidato, 20 sila, ay nagtataglay ng pinaghalong physical beauty at remarkable human values.

Ang mapipiling Miss Global Philippines 2001 ay magiging kinatawan ng bansa sa Quebec, Canada, para sa prestihiyosong 2002 Miss Global Queen competition.

Nagkaroon ng preliminary screenings nung Set. 1, 2, 8, 9 at 14 sa isang disco house. Apatnapu ang pinili ng isang panel na binuo ng isang fashion editor, 1 journalist, 2 supermodels (Lucilla Santiago at Grace Molina), ang publicists na sina Hanzel Villafuerte at Chuck Gomez, ang fashion director ng pakontes na si Robby Carmona, sina Tony Lee at Dick Tsai ng Wellcom Supermarket.

Lumiit pa ang bilang ng mga kandidato at naging 20 at ito ay binubuo nina Carmen Cristina P. Hidalgo, Anna Vanessa C. Carvajal, Anona G. Solas (Davao winner), Arlene Joy A. Paredes, Jhoanna Mundy R. de Jesus, Bevinder A. Singh, Sheelah R. Chua, Angelica S. Sandel, Lia Andrea A. Ramos, Joanne Paula Abinuman, Riva M. Parkinson, Toni Rose G. Veloso Aubrey S. Sandel, Karen Loren M. Agustin, Stephanie Florence V. Magali, Krizelda Ivy Millora, Angel Grace A. Ramos at Justine Gabionza. Sila ang mga opisyal na maglalaban-laban sa gabi ng Nobyembre 19 sa OnStage sa Greenbelt.

Bahagi ng promo ng paligsahan ang pagi-sponsor ng Wellcom Telecom Supermarket ng isang promo. For a minimum purchase of P500 sa alinmang branch ng Wellcom, may kapalit na isang raffle ticket na magbibigay sa bumili ng pagkakataon na bumoto ng kanyang paboritong kandidata at isa ring pagkakataon na manalo ng isang bagung-bagong Nissan Exalta o isa sa limang Nokia 3310 cellular phones. Tatakbo ang promo hanggang Okt. 21.
* * *
Pagkatapos ng kanyang pakikipag-tandem kay Eddie Garcia sa Sanggano’t Sanggago, bibigyan na ng kanyang solo movie si Bayani Agbayani.

"Kung ako ang masusunod maghihintay-hintay pa ako ng konti pang panahon. Pero, kailangan naman daw na buksan ko ang aking pinto sa pagkatok ng pagkakataon. Parang ang pelikula namin ni Manoy ang graduation ko.

"Kailangang panoorin n’yo ito para malaman ang ibig kong sabihin. Ang dami kong natutunan kay Manoy. Nangako nga ako na dadalawin siyang lagi sa shooting niya para matutunan ko pa ang maraming bagay tungkol sa aking trabaho. Pati nga si direk Al inalalayan niya," pagtatapat ni Bayani.

Sumabay sa pagpapalabas ng Sanggano’t... ang pagbubuntis ng kanyang asawang si Lenlen. Matatandaan na buntis din ito nang ipalabas ang Mana Mana, Tiba Tiba na naging isang boxoffice hit. Ibig sabihin mauulit ang kasaysayan?
* * *
Sa edad na 70, ngayon lamang nakapag-labas ng kanyang album ang magaling na musikerong si Emy Munji. May pamagat itong "My First 70 Years" na nagtataglay ng mga awiting kinatha niya, inareglo at tinutugtog. Kabilang na ang "My Musical Travelogue", isang 19 minutes and 42 seconds journey to and through different countries, musical styles na nagbigay sa kanya ng inspirasyon para sumulat ng kanyang sariling musika.

Sa pagdaan ng maraming taon, iba’t ibang role ang ginampanan ni Emy Munji sa maraming singers. He has composed songs for them, made musical arrangements for their albums, become musicians to them in their stints. He has been a musical director to them in their concerts. Ang pinaka-mahalaga, he has remained a friend to them in all these years.

Sa mga awiting "Give Me The Old Big Band Anytime", "Temptation", "Once In A While" at "Noong Unang Panahon", nilagyan niya ito ng kanyang personal touch.

Gumawa rin siya ng mga sarili niyang komposisyon–"Squatty Roo", "Left In The Mist", "How Can I" at "Mamahalin" na sinulat niya kasama ang kanyang anak na si Ayen Munji Laurel.

Ang "My First 70 Years" ay prodyus ng kanyang isa pang anak, si Willy Munji kasama ang kanyang ginang na si Teresita at Ayen bilang executive producers. Ipamamahagi ito ng Viva Records.

Sa kanyang album launch, nagparinig ng ilang mga awitin si Emy Munji kasama ang ilan niyang kaibigang musikero sa kasiyahan ng lahat. Nagpasalamat din siya sa mga singers at kaibigan na naging bahagi ng album gaya nina Dulce, Mon David, Jay Cayuca, Jose Mari Chan, Nonong Pedero, Bien Lumbera, Eugene Villaluz at Viva Records.

ANGEL GRACE A

ANGELICA S

EMY MUNJI

ISANG

KANYANG

MY FIRST

VIVA RECORDS

WELLCOM SUPERMARKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with