Jackie & Benjie, best of friends!

Confident si Regine Velasquez na tatanggapin ng publiko si Gabby Eigemann bilang first recording artist ng kanyang Songbird Music.

‘‘A lot of people have asked me why I chose Gabby to be the first artist of Songbird Music. It’s because I really believe in his potential. That’s why I asked him to rap with KC (Montero) on the song ‘‘For Love of You’’ na kasama sa R2K album ko,’’ explains Regine sa isang press statement. Personal na binantayan ni Regine ang paggawa ng ‘‘Loving’’ album ni Gabby as in binigay niya lahat ng attention niya. From the choosing of the materials to the recording and mixing, Regine was there every step of the way kahit na nga busy siya sa sarili niyang career at sa mga out-of-town shows. May mga song pa ngang siya mismo ang nag-back-up kay Gabby.

Kaya naman during the prescon-cum-launching of Gabby’s album, mas excited pa si Regine. Binigyan pa niya ng instruction si Gabby na ’wag na munang magpapakita dahil siya ang magpapakilala. Pero hindi nasunod ang original plan dahil si Gabby na ang nag-introduce kay Regine.

Anyway, suportado ng buong SOP gang ang album launching ni Gabby na ginanap sa Megastrip sa SM Megamall. In fact, may mga nagko-comment nga sa audience na parang buong show na ng SOP ang nasabing launching dahil present ang karamihan sa host ng programa like Ogie Alcasid, Karylle, Angelika dela Cruz, Cacai Velasquez, Dingdong Dantes at maging ang direktor nilang si Louie Ignacio.

Almost a year din bago natapos ang nasabing album dahil mismong si Regine ang nag-request na dapat alam niya lahat ng nangyayari sa album. ‘‘I’m very happy and proud to work with someone like Regine because she’s a world-class artist. Saka imagine ang daming puwedeng bigyan ng break, ako pa ang napili niya.’’ Gabby says.

Kung tutuusin, hindi na stranger sa singing si Gabby. His father Mark Gil and grandfather Eddie Mesa (who’s also known as ‘‘The Elvis Presley of the Philippines") are good singers. Pero kumuha pa rin siya ng voice lesson kay Edward Granadosin ng 3 of a Kind and was coached by Zebedee Zuñiga of The Opera para lalong ma-develop ang singing skills niya.

Isa lang ang remake sa "Loving" album – "Let Me In," the pop-jazz ballad originally by Mike Francis na kinanta niya during the launching. Maging ang grandmother niyang si Rosemarie Gil ay nag-contribute ng kanta sa album. She wrote the lyrics of ‘‘Enamorada," the Spanish translation of the album’s carrier single ‘‘Loving.’’

May 12-track ang album – other cuts are ‘‘I’ll Be Here For You’’ by Mon Espia; ‘‘Please Don’t Go Away’’ by Ogie Alcasid; ‘‘To Be Near You’’ by Arnel de Pano; ‘‘As You Sleep,’’ ‘‘I Remember You" and ‘‘Just Like Before’’ by Lisa Dy and Chat Zamora; ‘‘Sigurado’’ by Janno Gibbs; ‘‘Startin’’ also by Christine Bendebel and ‘‘Never Thought I’d Hurt This Way’’ by Lisa Dy and Tiny Rodriguez.

Ang album ay available na sa market released by Viva/Neo Records.
*****
For the nth time, sinabi ni Jo Canonizado, leading lady ni Cesar Montano sa Mananabas na hindi siya sinugod ni Sunshine Cruz dahil sa selos kay Cesar. "Once lang siyang nagpunta sa shooting. ‘Yung sinasabi naman nilang nagkita kami sa Tanay, hindi ko siya nakita do’n," he explains during the presscon of Mananabas last Friday over lunch.

First movie ito ni Jo after her reign as 2000 Mutya ng Pilipinas.

At mismong si Jo ang nagsabi na nag-react ang family niya nang lumabas ang issue sa kanila ni Sunshine. "Alam nilang hindi totoo, pero parang hurt sila kasi nga feeling nila hindi naman ako ganoon tapos mababasa nila ‘yung tungkol sa amin ni Cesar. Nakaka-tension, pero okey na ako ngayon. Puwede na ako kahit saang intriga," she assures.

Anyway, mismong si Cesar ang nagsabi na okey si Jo compared to other newcomers na hindi totally makaarte sa first project nila. "Hindi rin siya napipikon kahit anong biruan," Cesar says.

Lady reporter na anak ng billionaire ang role ni Jo sa Mananabas.
* * *
Best of friends na pala ngayon sila Jackie Forster at estranged husband niyang si Benjie Paras. In fact, puwede na uli silang mag-work together gaya nang nangyari sa Kool Ka Lang kamakailan kung saan naging guest si Jackie.

Hindi si Jackie ang tipo ng asawa na feel makipag-siraan matapos makipaghiwalay. Basta ang importante ngayon kay Jackie, mag-trabaho para buhayin ang sarili.

Willing na ring mag-all-the-way si Jackie this time pero kailangan pa raw niyang magpapayat ng konti.

Anyway, the more na iniintriga si Jackie saka naman siya nagiging confident sa sarili niya. Like ’yung sa kanila ni Bing Loyzaga and Victoria London, siya ang na-benefit sa nasabing gulo.

In any case, suportado ng Viva Films si Jackie. In fact, siya ang partner ni Eddie Garcia sa Sanggano’t Sanggago with Bayani Agbayani and Michelle Bayle na naka-schedule ipalabas tomorrow, Wednesday sa Metro Manila theaters. The movie is under the direction of Al Tantay.

Show comments