At dahil talaga namang interesting at inspiring ang buhay ng Star Diva na bago naging singer ay naging tindera ng sibuyas, bawang, kalamansi sa Clover Leaf Market diyan sa may Balintawak Q.C. Dinaanan din niya ang lumulusong sa kanilang kangkungan para makapag-harvest ng kangkong na ibinebenta rin niya sa Clover Leaf.
Na-inspire ang mga taga Extra, Extra nina Paolo Bediones at Miriam Quiambao na muling ipakita sa kanilang programa ang success story niya.
Naipalabas na ang naturang episode sa buhay ni Anna last Monday (October 1). At tulad ng kuwento niya sa Pipol, ibinahagi niya sa mga televiewers ng Extra, Extra kung papano siya yumaman sa pamamagitan ng pagkanta sa Japan via the agency of Bella Dimayuga ng Bellestar. Hindi waldas sa pera si Anna, lahat ng kinikita niya sa pagkanta sa isang sikat na club sa Japan at maging dito sa atin ay kanyang itinabi. Ipon to death talaga siya hanggang makapagpatayo ng sarili niyang talent promotion agency. Local muna noong una, hanggang sa nagkaroon siya ng international license na nag-akyat ng milyones sa kanya. Ngayon, mayroon na siyang mansyon, boutique, at salon at ATD Farm sa Nueva Ecija.
Natupad din ang pangarap niyang magkaroon ng sariling album. Going platinum na ang kanyang first album entitled "A... Dream A... Reality" under SanwaKousan Music na release nationwide ng BMG Records Pilipinas. Early January ilalabas na sa market ang kanyang 2nd album.
Kasabay ng pagiging active niya uli, ay ipapatayo na ni Anna ang kanyang sariling ATD Foundation. First project niya ay ang magpatayo ng "Home for The Aged". Tutulong din ang kanyang Foundation sa mga mahihirap nating mga kababayan. We heard na magpapaaral din siya ng mga scholar. (Ulat ni Peter Ledesma)