"I like everything in him, ang buo niyang pagkatao," sabi niya. "Pero, gusto kong makita kung totoo ang intentions niya, di lang for the movie. Sometimes, parang nagbibiro lang siya although I think hes serious. Lets just wait. Me naman Im not after sex lang, gusto ko pati relationship," dagdag pa niya.
Inamin ni Joyce na malungkot ang lovelife niya ngayon but she gets along, salamat daw sa mga kaibigan niya. "Siguro, kung wala ang mga friends ko, may boyfriend na ako. Its been quite a while since I broke up with my boyfriend in the States. One and a half years din kami. Talagang hindi kami magkasundo," dagdag pa niya.
She is due to make a movie with Piolo Pascual, too. "But we have to sit down and have dinner with him muna. Ive met him only once, hi and hello lang. Kailangan naman magkakilala muna kami," sabi pa niya.
At any rate, Joyce is still the sexy girl who is after Aga Muhlach in Da Pilya En Da Pilot na mapapanood every Saturday sa ABS-CBN. Ito ang bagong title ng Da Body En Da Guard na binago ng Dos dahil hindi raw bagay kay Aga ang role.
Sa ngayon, patuloy na umaasam si Charms na makilala pa rin bilang singer. Tuwing Huwebes ng gabi ay pinupuno niya ng tao ang Stone House, isang restaurant na unti-unti nang nakikilala dahilan sa masarap na pagkain nito at good music.
Nag-seventeen siya kahapon.
Matagal na rin ang dalawa sa eksena, 25 years na. Kapuri-puri na nagawa nilang maipagpatuloy ang kanilang samahan sa isang mundo na puno ng intriga at ang namamayani ay yabang at pera.
May bagong album ang dalawa nina Graham Russell at Russell Hitchcock, ang "Yours Truly" na siya ring titulo ng kanilang concert dito.