Katulad ng Cafeteria Aroma, ang Kapiterya Pinoy ay showcase ng pinagsamang beteranong komedyante at mga batang artista na nagnanais na ipakita ang tuwa at tawa patungkol sa buhay probinsya. Isa rin itong tribute sa napakahusay na komedyanteng si Apeng Daldal.
Makakasama nina Maybelyn dela Cruz ng Click, Marky Lopez ng Anna Karenina at Anna Angelica Jones sina Bebot Long Mejia ng Kool Ka Lang, Rey Valenzuela, Sonny Nadal at ang nasa orihinal na show na si Herminio "Miniong" Alvarez sa direksyon ni Jon Mendoza.
"Isa sa layunin ng show ay para mabigyan muli ng puwang ang mga beteranong komedyante gaya nina Miniong, Rudy Manlapaz, Palito, Metring David at iba pa na nakalimutan na yata ng industriya. Sa susunod na episodes ay makikita nyo sila," anang executive producer.
Dalawa sa bumubuo ng writing pool ng nasabing sitcom ay mga entertainment writers sina Dinno Erece at Anna Pingol. Kasama nila si Memot Navarro.