^

PSN Showbiz

Anak na babae ni Bong, nagseselos kay Rufa Mae

DERETSAHAN - Arthur Quinto -
Nagulat si Rufa Mae Quinto sa balitang nagseselos ang bunsong anak na babae ni Bong Revilla tuwing makikita siya na very sweet sa tatay niya sa tuwing manunuod ito ng Idol Ko Si Kap. "Siguro nga nakikita ng bata sa TV," sabi niya sa taping ng Bubble Gang noong Lunes. "Wala namang sinasabi sa akin si Bong. Hindi ko alam na may ganyang isyu. Kararating ko lang kasi ng Japan nitong September, nag-show ako doon. Akala siguro ng anak niya, totoo na."

Bilang ka-trabaho, paano niya ilalarawan si Bong? "Charming siya. Serious siya pero may humor din. Ang feeling ko noon, pagka-Bong Revilla, parang shocks, hindi nagtsi-tsinelas! Madali pala siyang abutin. Masa siya. Sensitive siya na nasa lugar. He has a good heart."

Mai-in love kaya siya kay Bong kung ligawan siya sa totoong buhay? "Oo naman, bakit hindi? Kung wala siyang pamilya. Kung binata pa siya. Pero sa ngayon, career na muna," sabi niya habang nakikipag-text sa isang tumawag.

Nakatakdang magsama sina Rufa Mae at Bong sa pelikulang Mahal Kita, Is That Your Final Answer? (tentative title). Tiyak na ili-link na naman silang dalawa, pag nagkataon. "What do you expect? Pero talagang sa ngayon, ayoko muna ng lovelife, career muna," diin niya.

Gagawin din ni Rufa Mae ang Pagdating ng Panahon na pagsasamahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla. Lumilitaw na supporting lang siya rito gayong nagbibida na siya. Bakit siya pumapayag na mag-cameo role? "Sharon naman kasi yan, saka maganda ang role ko, pang-comic relief. Parang kay Regine Velasquez din. Kasi, love ko si Regine. Nanalo nga akong best supporting actress sa pelikula nila ni Aga, di ba? Sa Dahil May Isang Ikaw noon.

"Yung kina Sharon at Robin na pelikula, think of their fans. Pag nasa pelikula nila ako, magugustuhan ako ng mga fans nila, lalaki ang market ko, di ba?"

Subsob si Rufa Mae sa career niya ngayon. Hindi lang acting career sa pelikula at telebisyon. Meron din siyang singing career. Papunta siya ng Taipeh sa October at November-December, nasa San Francisco, USA siya kung saan pino-promote na rin niya ang album niyang Rated R. Kaya nga, sabi niya, wala siyang panahon sa buhay pag-ibig. Loveless ba siyang talaga ngayon? Hindi na ba sila ng boyfriend niyang Fil-Am basketball star, Rudy Hatfield ng Swift?

"Two months na kaming hiwalay," pagtatapat ni Rufa. "Pero okey lang. Nag-start yon sa cool off. Tapos, hindi na kami nag-uusap ngayon,two months na. Pero nung birthday niya, kailan lang, last Friday, nagkita kami sa bahay nila. Tapos, labas with barkada."

Posible kayang magkabalikan din sila? "Hindi ko muna iniisip yan. Parang nakaka-problema lang yang mga love-love na yan. Pero siyempre, love ko pa rin siya dahil may pinagsamahan kami. Career na muna ako, bahala na. I need to do something now. Ilang years na lang, alam ko, mag-aasawa na ako. Doon ko na lang itotodo. Kailangang magdesisyon ako ng tama ngayon. Sa nararamdaman ko ngayon, kung sino man yung mamahalin ko, yon na yon, forever na! Hanggang mamatay. Who knows kung sino man yon."

Sa showbiz, ang unang naging boyfriend ni Rufa Mae ay si Jay Manalo. Pumasok pagkatapos sa buhay niya si Dingdong Avanzado. Apat na buwan pagkatapos ng break-up na yon kay Dingdong, nakilala niya si Rudy Hatfield ng Detroit, Michigan.

"Nasaktan talaga ako nang mag-break kami ni Dingdong," pagbabalik-tanaw ni Rufa Mae. "Kahit sino, pag niloko ka, masasaktan ka, di ba? "Pero hindi ko klinows yung door ko. Parang gusto ko noon, makahanap ng iba. In the meantime, nag-concentrate ako sa career ko. Pag-uwi ng bahay, tulog. Mag-isa lang ako. Natuto ako. I may be alone but I am not lonely ngayon. Yon ang motto ko noon. Tapos, ipinalabas nga yung Booba, biglang gumanda ang career ko. Ngayon ko pa ba sisirain? Tama naman pala yung career muna bago lovelife.

"Pero maganda rin yung may inspirasyon. Mabuti na yung may isa kang mahal kaysa kung sinu-sino ang ka-date mo. Hindi mo masasabi kung may dumating. Kahit ayaw mo pa, pag na-in-love ka, wala kang choice, wala kang magagawa.Kung dream boy ko siya at gusto na niya akong asawahin, definitely, not now. I am only 23. Gusto kong mag-asawa, pagdating ko ng 28 to 30. Kung puwedeng 26, bakit hindi? Sana, before 28, meron na akong chivanin." Makasama sa buhay ang gusto niyang sabihin.

Isang taon at kalahati rin silang nag-on ni Dingdong. Nagkaroon siya ng leksyon, sabi niya. "Mas careful na ako ngayon bago ako ma-in-love. Kumbaga, meron na akong criteria. Hindi ko ibinibigay ng buo ang puso ko. Hindi ko sinasabing manhater ako. Pero mas wise na ako ngayon."

Nag-iisang sexy comedienne si Rufa Maesa local movies. Siya lang yung nagbibidang sexy star. "Ang dami nang nagdadrama kasi. Ayoko munang sumabay sa kanila. Pag nagdrama ako, mapipilitan akong balikan yung mga problema ko para makaiyak. Ayoko nang balikan yon! Ayoko nang isipin yon!"

Madrama ang tunay na buhay ni Rufa Mae. Tatlong taong gulang siya nang maghiwalay ang magulang niya. Naiwan siya at ang kuya niya sa nanay niya. Anim na taon, pagkatapos, muling nag-asawa ang nanay niya. May lima siyang kapatid sa mother side. Sa father side, may tatlo siyang kapatid. "Nang lumaki ako, saka ko na lang nalaman na broken family kami. Akala ko, normal lang. Happy naman kasi ang childhood ko. Inalagaan ako ng lola ko."

Bago napasama sa That’s Entertainment noong 1994, nag-first year college muna sa University of the East si Rufa. Kukuha sana siya ng kursong Business Administration. "Hindi ko pinangarap na mag-artista noong maliit pa ako. Gusto ko lang, makapagtrabaho ng marangal. Sa ngayon, wala na akong gusto pang hilingin sa career ko. Okey na ako ."

vuukle comment

AKO

CAREER

LANG

NGAYON

NIYA

PERO

RUFA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with