Is that your final answer?
September 28, 2001 | 12:00am
Walang kaabog-abog o walang anumang palatandaan o warning, tahimik naisa-ere ang game show ni Christopher de Leon na Who Wants To Be A Millionaire. At hindi pa nagse-celebrate ng kanilang first anniversary sa telebisyon ng nasabing game show ay binulabog na nito ang programming ng lahat ng networks dahil hindi lamang weekly ang nasabing show, limang araw itong napapanood at inilalampaso raw ang lahat ng programang nakatapat nito sa slot na 8 to 9 gabi-gabi.
Ang ABC-5 ay maglalabas na rin ng local version ng mga sikat na game shows sa U.S. tulad ng Family Feud, The Price is Right at The Wheel of Fortune. Ang Who Wants To Be A Millionaire ay isa rin localized version ng isang U.S. game show. Ang pinakanuno ng local game show ay syempre ang Kuwarta o Kahon ni Pepe Pimentel na tumatakbo pa yata hanggang ngayon at sa palagay ko ay matanda pa sa akin. Pero patuloy pa rin si Pepe sa pagtatawag sa mga contestants ng Kuwarta o Kahon. Ngayon mas popular na ang "Is that your final answer?" ni Boyet.
Samantala, nag-iisip ng bagong game shows ang ibang networks upang itapat kay Boyet o kaya naman pinatatatag pa ang Laban o Bawi ng Eat Bulaga at MTB sa pamamagitan ng mas malalaking premyo at mas masasayang gimik ng mga hosts. Sana magkaroon ng local version ng Jeopardymas mahihirap ang tanong at parang matatalino at edukado ang mga contestants, hindi lamang sa general information at current events kundi pati na sa technical at professional knowledge.
Ang WW2BAM ni Boyet ay parang telenobelang Marimar ni Thalia sa Channel 9basta biglang-biglang sumikat kahit hindi gaano ang promo at publicity. Nagustuhan agad ng mga manonood hindi lang sa laki ng premyo na ngayon ay 2 million naat parang hindi gaanong mahihirap ang questions. At maganda ang rapport ni Boyet sa audience na parang gustung-gusto niyang manalo ang kanyang contestants. Halos isenyas na lang ni Boyet ang sagot kung maaari pero natural hindi niya ginagawa ito.
Nag-install ako ng internet facilities sa computer ni Marvin Agustin about two years ago sa kanilang bagong bahay. At noon pa man, napansin ko na ang mga nagkalat na litrato sa kuwarto ni Marvin ay hindi ang kay Jolina Magdangal na siyang popular niyang katambal sa pelikula kundi ang litrato ni Kristine Hermosa. Nasabi ng kapatid ni Marvin na ang talaga raw nililigawan ng kapatid niya ay si Kristine at ang sinasabing relasyon ni Marvin at Jolina ay talagang pang-fans lamang at pang-promo lang ng kanilang mga pelikula. Hindi ko naman talaga kilalang lubos si Marvin noon kaya hindi ko na siya tinanong at parang isa siyang seryosong tao sa tingin ko kaya hindi ko na rin inusisa ang tsismis na kumakalat tungkol sa kanila ni Kristine Hermosa.
Si Jericho Rosales naman ay nali-link hindi kay Kristine kundi kay Angelika de la Cruz. Pero si Angelika noon ay kumalas na sa Talent Center ng ABS CBN upang maging prime star ng mga soap opera at mga television shows ng GMA 7 . Kaya medyo masisira ang nabubuong loveteam ng dalawa na siyang gusto ng mga fans.
May nagsabi pa sa akin na halos lahat daw ng mga young men sa Talent Center ang nagugustuhan talaga ay si Kristine dahil mabait ito at magnda at inakaala nilang wholesome na wholesome ang image. Pero si Jericho nga raw ang napili ni Kristine na kanyang leading man sa kanilang soap opera na Pangako sa Iyo.
Ngayon ang tambalang Kristine-Jericho ay siyang ipino-promote ng Star cinema bilang tugon sa tagumpay ni Judy Ann Santos at Piolo Pascual kahit hindi naman talaga masasabing exclusive talent ng Star Cinema si Judy Ann. Pero kahit madalas ang gawan ng project ni Juday, ito ay available pa rin sa ibang kompanya at ibang mga producers na kalaban din ng Star Cinema. Hindinaman nila talagang mapipigil si Judy Ann sa pagtanggap ngibang projects dahil ang contract nito sa Star Cinema ay on a per project basis lang. At sa dinami-dami ng mga talent ng ABS-CBN na babae, parang si Kristine lamang ang may pag-asang sumikat ng husto bagamat pino-promote din nila si Vanessa del Bianco at ilan pang mga kabataang babae roon tulad ng cast ng bagong 30-minute sitcom na Attagirl na sina Michelle Bayle, Desiree del Valle, Andrea del Rosario at ang mga tulad nina Jodie Sta. Maria at Kaye

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended