Ayaw mag-direct ni Cesar Montano!
September 27, 2001 | 12:00am
Sinabi ni Cesar Montano na may alok sa kanya ang GMA-7 para mag-direct ng kahit isang episode ng Larawan na kung saan ay siya ang tampok na bituin sa buong buwan ng Oktubre. Hindi niya tinanggap sapagkat gahol na siya sa panahon. Bukod sa tinatapos pa niya ang Ang Mananabas para sa Maverick Films ay kinakailangan niyang pagbuhusan ng panahon ang kanyang mga gagampanang roles sa nasabing drama anthology.
Katulad ng pagiging isang mahusay na aktor, mabusisi ring direktor si Cesar. Involve siya every step of the way. Mula sa pre-prod hanggang sa actual shoot at post prod. When he directs a film, kailangan ang mahabang panahon ng paghahanda, maging ito man ay pelikula o isang TV show lamang. Kailangan din niyang makausap ang sumulat ng istorya at lalo na ang scriptwriter. "Pero, nagpapasalamat ako sa tiwala na ipinakikita nila. Malaking pasasalamat ko rin sa kanila sa pagpayag nila na maipalabas agad sa Oktubre ang mga labas ko sa Larawan," sabi ng bagong-bagong daddy na hindi pa nakaka-recover sa kanyang pagiging isa muling ama. Katunayan, na-late siya ng pagdating sa presscon na ibinigay ng GMA para sa Larawan dahilan sa nanggaling pa siya ng ospital na kung saan ay nagsilang si Sunshine ng kanilang anak ng araw mismo ng nasabing presscon.
Kasali sa magiging mga direktor ni Cesar sa Larawan na napapanood tuwing Miyerkules, 10:00 ng gabi, sina Maryo J. delos Reyes at Toto Natividad.
Samantala, muli na namang pinahirapan si Cesar ng kanyang role sa Ang Mananabas. Isa siyang leader ng isang lost command of an army na namumuhay sa gubat at tinutugis ng parang mga hayop. Kinailangan niyang maging physically fit para sa role. Umaakyat sila ng bundok na may mga ahas at mababangis na hayop, tumatawid ng mga ilog na may mga linta at lamok.
Hindi na bago kay Cesar ang pagganap ng mahihirap na roles. Kinailangan niyang mag-aral ng mga lengwahe sa Jose Rizal. Sa Muro Ami, minaster niya ang paglangoy sa ilalim ng dagat. Hindi naman nasayang ang kanyang pagod. Ilang ulit siyang tumanggap ng parangal sa kanyang acting kasama na ang isang parangal mula sa Benodet (France) International Film Festival.
Si Jo Canonizado ang leading lady ni Cesar sa pelikula bilang isang kidnapped journalist. Siya ang Mutya ng Pilipinas 2000.
Tinanggap ni Gng. Belen Lovina Ticzon-Martel ang posisyon bilang myembro ng FILVETS Board dahilan sa kanyang pagnanais na makatulong sa mga beterano ng bansa at maging ng kanilang mga pamilya.
Ang FILVETS ay isang non-profit humanitarian foundation na nabuo nung 1989 para magbigay ng madaling serbisyo at tulong sa mga beterano. Naging founding chairman ang dating pangulong Fidel V. Ramos na sinundan ni Gen. Renato de Villa. Ang kasalukuyang pangulo ay dating Sec, ng DPWH na si Juanito N. Ferrer.
Si Gng. Ticzon-Martel ay exec. vp ng Harrison Plaza, director ng Marsteel Consolidated, Inc. at Chairperson ng Belco Marketing, Inc. Isa rin siyang outstanding mother, church and civic leader, businesswoman and pioneering entrepreneur. Ang kanyang talambuhay ay kasama sa 16th edition ng "Whos Who In The World".
Isa siyang class valedictorian sa elementarya at high school, summa cum laude, BS in Commerce sa St. Pauls at naging isa sa Most Outstanding Coeds of Manila ng DECS nung 1973.
Isang movie fan si Ka Rey Herrera, producer ng bagong tatag na RHGF Productions at nasa likod ng pelikulang Marital Rape na nagtatampok kina Patricia Javier at Raymond Bagatsing among others. Ito ang dahilan kung bakit naisipan niyang mag-produce. Pero, dahil mahirap at walang pambayad ng sine, nagkakasya na lamang siyang manood ng TV.
Kinalakhan niya ang ganitong sitwasyon. Tindero na siya ng gulay nang matuklasan niyang mayron siyang kanser. Wala siyang pambili ng gamot ni pambayad ng chemotherapy. Kaya nakaisip siyang mag-imbento ng gamot mula sa pinagsama-samang ugat ng mga halaman, dahon, gulay, prutas na umaabot sa 75 na uri. Sama-sama niya itong pinakukuluan at pagkatapos ay iniinom. Unti- unting gumaling ang kanyang kanser. Gumaling din ang sakit ng kanyang kapitbahay, at nang lumaon ay maging ng kabaryo niya. Dito nagsimula ang pagkakatuklas ng Glo-Herbal.
Milyonaryo na ngayon si Ka Rey pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang hilig sa pelikula. Nang malaman niyang gumagawa na rin ng pangalan sa pelikula ang pamangkin niyang si Jethro Ramirez, naisip niyang mag-produce. "Hindi lamang ang pamangkin ko ang gusto kong matulungan kundi ang naghihingalong industriya ng pelikula," aniya.
Sampu ang nakalinyang pelikula na gagawin niya. Kumita man ang mga ito o hindi, tuloy ang pagpo-prodyus niya. "Saan ko ba gagamitin ang lingguhan kong allowance, eh di sa paggawa na ng pelikula," sabi niya.
Katulad ng pagiging isang mahusay na aktor, mabusisi ring direktor si Cesar. Involve siya every step of the way. Mula sa pre-prod hanggang sa actual shoot at post prod. When he directs a film, kailangan ang mahabang panahon ng paghahanda, maging ito man ay pelikula o isang TV show lamang. Kailangan din niyang makausap ang sumulat ng istorya at lalo na ang scriptwriter. "Pero, nagpapasalamat ako sa tiwala na ipinakikita nila. Malaking pasasalamat ko rin sa kanila sa pagpayag nila na maipalabas agad sa Oktubre ang mga labas ko sa Larawan," sabi ng bagong-bagong daddy na hindi pa nakaka-recover sa kanyang pagiging isa muling ama. Katunayan, na-late siya ng pagdating sa presscon na ibinigay ng GMA para sa Larawan dahilan sa nanggaling pa siya ng ospital na kung saan ay nagsilang si Sunshine ng kanilang anak ng araw mismo ng nasabing presscon.
Kasali sa magiging mga direktor ni Cesar sa Larawan na napapanood tuwing Miyerkules, 10:00 ng gabi, sina Maryo J. delos Reyes at Toto Natividad.
Samantala, muli na namang pinahirapan si Cesar ng kanyang role sa Ang Mananabas. Isa siyang leader ng isang lost command of an army na namumuhay sa gubat at tinutugis ng parang mga hayop. Kinailangan niyang maging physically fit para sa role. Umaakyat sila ng bundok na may mga ahas at mababangis na hayop, tumatawid ng mga ilog na may mga linta at lamok.
Hindi na bago kay Cesar ang pagganap ng mahihirap na roles. Kinailangan niyang mag-aral ng mga lengwahe sa Jose Rizal. Sa Muro Ami, minaster niya ang paglangoy sa ilalim ng dagat. Hindi naman nasayang ang kanyang pagod. Ilang ulit siyang tumanggap ng parangal sa kanyang acting kasama na ang isang parangal mula sa Benodet (France) International Film Festival.
Si Jo Canonizado ang leading lady ni Cesar sa pelikula bilang isang kidnapped journalist. Siya ang Mutya ng Pilipinas 2000.
Ang FILVETS ay isang non-profit humanitarian foundation na nabuo nung 1989 para magbigay ng madaling serbisyo at tulong sa mga beterano. Naging founding chairman ang dating pangulong Fidel V. Ramos na sinundan ni Gen. Renato de Villa. Ang kasalukuyang pangulo ay dating Sec, ng DPWH na si Juanito N. Ferrer.
Si Gng. Ticzon-Martel ay exec. vp ng Harrison Plaza, director ng Marsteel Consolidated, Inc. at Chairperson ng Belco Marketing, Inc. Isa rin siyang outstanding mother, church and civic leader, businesswoman and pioneering entrepreneur. Ang kanyang talambuhay ay kasama sa 16th edition ng "Whos Who In The World".
Isa siyang class valedictorian sa elementarya at high school, summa cum laude, BS in Commerce sa St. Pauls at naging isa sa Most Outstanding Coeds of Manila ng DECS nung 1973.
Kinalakhan niya ang ganitong sitwasyon. Tindero na siya ng gulay nang matuklasan niyang mayron siyang kanser. Wala siyang pambili ng gamot ni pambayad ng chemotherapy. Kaya nakaisip siyang mag-imbento ng gamot mula sa pinagsama-samang ugat ng mga halaman, dahon, gulay, prutas na umaabot sa 75 na uri. Sama-sama niya itong pinakukuluan at pagkatapos ay iniinom. Unti- unting gumaling ang kanyang kanser. Gumaling din ang sakit ng kanyang kapitbahay, at nang lumaon ay maging ng kabaryo niya. Dito nagsimula ang pagkakatuklas ng Glo-Herbal.
Milyonaryo na ngayon si Ka Rey pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang hilig sa pelikula. Nang malaman niyang gumagawa na rin ng pangalan sa pelikula ang pamangkin niyang si Jethro Ramirez, naisip niyang mag-produce. "Hindi lamang ang pamangkin ko ang gusto kong matulungan kundi ang naghihingalong industriya ng pelikula," aniya.
Sampu ang nakalinyang pelikula na gagawin niya. Kumita man ang mga ito o hindi, tuloy ang pagpo-prodyus niya. "Saan ko ba gagamitin ang lingguhan kong allowance, eh di sa paggawa na ng pelikula," sabi niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended