Sa recording naman ay nagkaroon na siya ng 1st solo album, ang "Bulinggit Rap" mula sa Ivory Records, 2nd solo album, "Batang Mabait" (Alpha) at ang latest na "Shine LA Lopez" (Alpha). Naging interpreter din siya ng isang Metro Manila Filmfest theme song.
Nagkaroon siya ng solo concert sa Robinsons Galleria, played Oliver Twist sa musical na The Great White Way, nakasama sa isang Paco Park Presents na napanood din sa Australia, Canada at Hawaii.
Sixteen years old na ngayon si LA, nasa third year high school sa Sunny Hill. Muli, gusto niyang hipuin ang puso ng mga mahiligin sa musika sa pamamagitan ng isang album na pinamagatang "LA Yakap". Naroon pa rin ang talino, hindi nawawala bagkus ay lalo pang nahasa ngayong isa na siyang grown-up performer.
Katulad ng kanyang co-star sa Eh Kasi Bata! na si Aiza Seguerra, inaasahan din ni LA na magugustuhan ng mga tagapakinig ang kanyang self-titled album na nagtatampok sa mga orihinal at revival songs.
Handa na ba siyang muling harapin ang gulo at intriga na kalakip ng showbiz? Kung matatandaan sa murang gulang na 9 na taon ay tinanggap niya ang pinaka-masakit na intriga sa kanyang young life, nang paratangan nila siyang "bading".
"Kung bading ako, hindi na ako babalik pa. Magtatago na lamang ako. Siguro ay ipagpapatayo na lamang ako ng mom ko ng beauty parlor at magkukulot na lamang ako," sabi niya.
Ilan sa mga awiting nakapaloob sa kanyang album ay ang "Yakap", "Make Me A Love Song", "Forever Loving You", "Sa King Kamay", "Ikaw Ang Buhay Ko", "Ngayon Lang", "Music and Me", "I Do Love You", "Ikaw Ang Buhay Ko" (duet w/Jolina Magdangal at "Farewell". Napaka-senti ng kanyang version ng awiting "Bakas Ng Lumipas."
***** Katulad ni LA, hangad din ni Bea Nicolas na gumawa ng malaking pangalan bilang isang child star. Una siyang nakilala sa mga komersyal ng Colgate, Downy at Ice cold Mix. Ang kanyang personalidad ang nagbunsod sa ABS-CBS Talent Center na kunin siya para makasama sa roster of Talent Center Kids.
Kumuha na siya ng ilang workshop para mahasa ang kanyang talino sa pag-arte sa ilalim ng ABS-CBN Center for Communication Arts. Nakalabas na siya sa Star Studio, Okatokat at Wansapanataym.
Grade 2 na si Bea sa Holy Child School. Seven years old na siya at nangangarap maging isang doktor balang araw.