Rica, Assunta pinag-aaway!

May lumabas daw sa kampo ni Rica Peralejo na sinasabing hindi niya ka-level si Assunta de Rossi, bida sa pelikulang Sisid ng Seiko Films kaya hindi sila dapat pinagkukumpara. Di hamak daw na mas may napatunayan na si Rica kesa kay Assunta na nakilala lang nang husto after nu’n launching movie nito sa Regal.

Pero kaagad naman itong itinanggi ni Rica at sinabing hindi ‘yon galing sa bibig n’ya kundi sa mga taong nagmamalasakit sa kanya. Hindi raw siya capable magsalita nang ganu’n.

Samantala, sa kampo raw naman ni Assunta nanggaling ang isyu na diumano’y natsi-cheap-an siya sa ginagawang paghuhubad ni Rica dahil hanggang breast exposure lang ang kaya nitong gawin at hindi katulad niya na willing ipakita ang lahat-lahat pati na ang kanyang flower.

"Uy, wala akong sinasabing ganyan," diin agad ni Assunta. ‘Hindi ko sinasabing natsi-cheap-an ako dahil hanggang boobs lang ang puwede niyang ipakita sa movies at ako, eh, puwede pati ‘yung front ko. Walang ganu’n," diin ulit niya.

"At saka bakit ko naman sasabihin ‘yon? Ano namang pakialam ko sa ginagawa niya? Pare-pareho lang naman kaming nagtatrabaho. Kanya-kanyang diskarte lang naman ‘yan, di ba?" katwiran ni Assunta.

"Kung anuman ‘yung mga naririnig ko, hindi ako basta-basta naniniwala. ‘Yung iba kasi, malay natin, meron lang talagang gustong mang-intriga, di ba? Gustong pag-awayin kami. Hangga’t hindi ko mismo sa bibig ni Rica naririnig ‘yung mga sinasabi nilang patutsada niya raw hindi ako magre-react nang todo-todo," sabi pa ni Assunta.

Nagpupuyos din ang damdamin na itinanggi ni Assunta na diumano’y sinabi niya sa isang interbyu na kamukha ni Cynthia Luster si Rica kaya hindi ito bagay maging sexy star.

"Yan na naman. Baka pag-umpisahan na naman ‘yan ng kung anu-anong intriga gayung wala naman akong sinasabing ganyan," pagtanggi niya. "Hindi ako mahilig mamintas kasi hindi rin naman ako perpekto. Sana lang, ‘wag na nilang palakihin pa ang isyu dahil ka-cheap-an talaga ‘yan," sabi pa niya.

"Iki-clear ko ulit, wala akong natatandaan na sinabi kong kamukha ni Cynthia Luster si Rica. Kung may lumabas man na ganu’n, hindi yon nanggaling sa akin," paglilinaw ulit niya. (Ulat ni Leo M. Bukas)

Show comments