Pansamantalang natigil ang syuting ng pelikulang dinidirek ni Kaka Balagtas.
Excited na si Mikey na makatrabaho si Geneva.
Noong 1989 ay naghigpit sa Japan kaya naapektuhan ang pagpapadala niya ng talents doon. May-ari si Ian ng Showgirl Entertainment at garment business na nagi-export sa Japan at Saipan.
Inamin din niya na nag-shabu din siya for one year at napabayaan ang negosyo pero naisalba din niya ito nang ma-realize ang pagkakamali.
Nakabalik siya sa showbiz noong 1999 at last year ay gumanda ang takbo ng career niya. Marami siyang nilabasang pelikula at madalas ng mag-guest sa TV. Nakapagprodyus rin siya ng telesine titled Pusong Babae. Ngayon ay nag-aaral siya ng marketing at directing dahil magpo-prodyus din siya ng pelikula. Pero hindi siya ang bida kundi behind the camera lang as producer. Pangarap niyang makagawa ng epic film gaya nang ginawa noon ni Celso Ad Castillo.
Natawa kami nang sabihin niyang pumapasok siya sa CR ng babae kapag naka-pambabaeng attire pero kapag nakapantalon at walang make-up ay doon siya sa male CR pumapasok. Kahit babaeng-babae ay payag siyang lumabas sa role ng isang silahis na nakikipagromansa sa isang babae.
Mabait na anak si Ian dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang sinusuportahan ang kanyang ina at dalawang half sisters.
"Sa mga ganitong delikadong stunts ay nagdarasal na lang ako. Kaya nga naaawa ako sa mga stuntment dahil wala silang insurance at napipilitang gumawa ng mga stunts kahit nalalagay sa kanila sa peligro para lang maka-survive," ani Lito.
Isa si Gob. sa nagmamalasakit sa ating industriya kaya iminumungkahi niya na dapat magkaroon ng task force para labanan ang piracy. "Dapat magkaroon ng batas para mabigyan ng parusa ang gumagawa nito. Sana totohanin nila ito at huwag patatangay sa lagayan," dagdag pa niya.
Ano pa ang dream movie ni Lito? Ayon sa action star, gusto niyang makagawa ng true-to-life story ni Col. Berroya o kayay isang maaksyong pelikula na pagsasamahan nila ng anak na si Mark Lapid.
Sa kabilang banda, excited na si Lito sa paglulusad sa kanyang anak bilang bida sa pelikulang Dugong Aso under Megabuilt Films ni Raoul Cruz kung saan siya ang magiging direktor. Ngayong artista na rin ang anak niya ay ano ang kanyang ibinigay na pangaral dito?
"Noon ay pinakiusapan ko na magtapos ng pag-aaral ang aking anak at naka-graduate naman siya sa kursong BS Management. Palibhasay nasa dugo niya ang pag-aartista ay ako naman ang kanyang pinakiusapan na kung maaari ay pagbigyan ang hilig niyang maging artista. Ang sabi ko sa kanya ay mag-ensayo siya at mahalin ang trabaho. Magsunog siya ng kilay at huwag manghiram ng pangalan kundi itayo ang kanyang sariling pangalan na Mark Lapid," dagdag pa ni Lito.
Last term na niya bilang gobernador at hindi pa tiyak kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon balang araw gaya ng pagiging senador. Ayon kay Lito mas gugustuhin niyang posisyon ang pang-lalawigan lang.