^

PSN Showbiz

Ang ayaw ni Kristine, pwede kay Geneva

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ayon sa isang insider ng MMG Films ay nakuha nila si Geneva Cruz para maging leading lady ni Mikey Arroyo sa Walang Iba Kundi Ikaw. Ito yong movie na tinanggihan ni Kristine Hermosa.

Pansamantalang natigil ang syuting ng pelikulang dinidirek ni Kaka Balagtas.

Excited na si Mikey na makatrabaho si Geneva.
Ian V., Magpoprodyus din ng movie
Nakilala ko si Ian Valdez sa isang inter-view. Marami kaming nalaman tungkol sa kanya. Noon pa pala ay hilig na niyang mag-artista. Naging daan ang pagsali niya sa Miss Gay Philippines noong 1986 hanggang mapasabak sa entablado. Naging mainstay siya ng Goin Bananas hanggang mapasok sa pelikula at unang nilabasan ang Engkantadang Kangkarot.

Noong 1989 ay naghigpit sa Japan kaya naapektuhan ang pagpapadala niya ng talents doon. May-ari si Ian ng Showgirl Entertainment at garment business na nagi-export sa Japan at Saipan.

Inamin din niya na nag-shabu din siya for one year at napabayaan ang negosyo pero naisalba din niya ito nang ma-realize ang pagkakamali.

Nakabalik siya sa showbiz noong 1999 at last year ay gumanda ang takbo ng career niya. Marami siyang nilabasang pelikula at madalas ng mag-guest sa TV. Nakapagprodyus rin siya ng telesine titled Pusong Babae. Ngayon ay nag-aaral siya ng marketing at directing dahil magpo-prodyus din siya ng pelikula. Pero hindi siya ang bida kundi behind the camera lang as producer. Pangarap niyang makagawa ng epic film gaya nang ginawa noon ni Celso Ad Castillo.

Natawa kami nang sabihin niyang pumapasok siya sa CR ng babae kapag naka-pambabaeng attire pero kapag nakapantalon at walang make-up ay doon siya sa male CR pumapasok. Kahit babaeng-babae ay payag siyang lumabas sa role ng isang silahis na nakikipagromansa sa isang babae.

Mabait na anak si Ian dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang sinusuportahan ang kanyang ina at dalawang half sisters.
Gob. Lito, Nais magkaroon ng Task Force para labanan ang piracy
Sa ikaapat na pagkakataon ay muling makakasama ni Gob. Lito Lapid si Baldo Marro bilang direktor sa Bukas Babaha ng Dugo under Regal Entertainment. Sinabi ni Lito na walang conflict sa kanilang pagsasamang dalawa dahil pareho silang stuntman, parehong artista at pareho ring direktor kaya madali silang magkaintindihan. Sa pelikulang ito ay marami uling ginawang delikadong stunts ang action star lalo na ang pagsabit nito sa helicopter na inabot ng matagal na oras.

"Sa mga ganitong delikadong stunts ay nagdarasal na lang ako. Kaya nga naaawa ako sa mga stuntment dahil wala silang insurance at napipilitang gumawa ng mga stunts kahit nalalagay sa kanila sa peligro para lang maka-survive," ani Lito.

Isa si Gob. sa nagmamalasakit sa ating industriya kaya iminumungkahi niya na dapat magkaroon ng task force para labanan ang piracy. "Dapat magkaroon ng batas para mabigyan ng parusa ang gumagawa nito. Sana totohanin nila ito at huwag patatangay sa lagayan," dagdag pa niya.

Ano pa ang dream movie ni Lito? Ayon sa action star, gusto niyang makagawa ng true-to-life story ni Col. Berroya o kaya’y isang maaksyong pelikula na pagsasamahan nila ng anak na si Mark Lapid.

Sa kabilang banda, excited na si Lito sa paglulusad sa kanyang anak bilang bida sa pelikulang Dugong Aso under Megabuilt Films ni Raoul Cruz kung saan siya ang magiging direktor. Ngayong artista na rin ang anak niya ay ano ang kanyang ibinigay na pangaral dito?

"Noon ay pinakiusapan ko na magtapos ng pag-aaral ang aking anak at naka-graduate naman siya sa kursong BS Management. Palibhasa’y nasa dugo niya ang pag-aartista ay ako naman ang kanyang pinakiusapan na kung maaari ay pagbigyan ang hilig niyang maging artista. Ang sabi ko sa kanya ay mag-ensayo siya at mahalin ang trabaho. Magsunog siya ng kilay at huwag manghiram ng pangalan kundi itayo ang kanyang sariling pangalan na Mark Lapid," dagdag pa ni Lito.

Last term na niya bilang gobernador at hindi pa tiyak kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon balang araw gaya ng pagiging senador. Ayon kay Lito mas gugustuhin niyang posisyon ang pang-lalawigan lang.

AYON

BALDO MARRO

BUKAS BABAHA

CELSO AD CASTILLO

DUGONG ASO

LITO

MARK LAPID

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with