Gladys, may reklamo kay Diether?
September 21, 2001 | 12:00am
Matapos kumalat ang balitang gulo between Diether Ocampo and his director of Recuerdo de Amor, isa rin daw si Gladys Reyes sa nagrereklamo kay Mr. Ocampo.
Ayon pa sa tsika, hindi na rin daw ma-take ni Gladys ang kakayahan ni Diether sa pag-arte. Kahit daw siya ay nagtitiis na lang sa tuwing makakaeksena niya ang aktor.
May mga pagkakataon daw kasi na bigay na bigay na si Gladys sa kanyang acting pero inaabot pa rin daw sila ng ilang take dahil kay Diether na di raw makuha ang tamang akting.
Nakausap namin si Gladys sa isang showbiz party at nilinaw namin sa kanya ito. Pati na rin ang isyung naglalagay daw ng eye-mo si Diether sa mga eksena nitong umiiyak.
"In fairness kay Diether, malaki na ang ini-improve niya sa acting. Its not true na nagkakaproblema kami sa kanya. Kahit sa direktor namin, masaya kaming lahat. Hindi rin totoo ang eye-mo issue," pagkaklaro agad ng dalaga.
"Kahit ako, napapahanga na lang kay Diether. Tsaka siya yung artist na pag alam niyang kulang, pinapaulit niya ang eksena. Makikita mo talaga yung dedikasyon niya sa trabaho.
"Nagkasama na rin naman kami before sa Saan Ka Man Naroroon. Kaya kahit na papaanoy kilala na namin ang bawat isa," pagtatanggol pa niya.
Komento naman ng ilan, sa husay siguro ni Gladys kaya maraming nakukulangan kay Diether. Madalas nga raw kaysa hindi, nasasapawan niya sa pag-arte ang binata?
"Ewan ko ba. Pinanganak na nga siguro akong artista. Pero hindi naman po ako yung tipo na mahilig manapaw. Binibigay ko rin lang ang the best ko, at di ko na naman siguro kasalanan yon," at napangiti na lang siya.
Si Gladys ang tinanghal na Best Drama Actress sa Star Awards for TV last year. Maulit nga raw kaya yon ngayong taon? (Ulat ni Robert Perez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended