Maganda ang promo ng Juday-Piolo loveteam at kuwela naman ang kanilang chemistry. Pero ang lalong kapansin-pansin sa movie ay ang mga comic antics ng mga supporting nilang tulad nina Gloria Diaz, Gloria Romero, Vic Vargas, Jeffrey Quizon at Johnny Delgado. Tamang-tama ang timpla nilang lahat at kahit kontrabida si Vic Vargas, hindi naman siya Max Alvarado. Pero Jeffrey tends to overact as gay brother to Judy Ann. Credible naman si Judy Ann bilang girl boxer. At tuwang-tuwa nga ang aking five-year old niece sa fight scene ni Juday at maganda ang execution nito.
Maaari rin namang sa mga nakaraang Hollywood movies ay nakakuha ang mga terorista ng ideya kung paano nila sasalakayin ang U.S. Hindi malayo ang ganitong kaganapan. Ang pelikulang Air Force One ni Harrison Ford ay tungkol sa pagkidnap sa isang U.S. President at ang pelikula ni Schwarzenegger ay tungkol sa pag-atake ng mga terorista sa siyudad ng Los Angeles. But who in his right mind naman kaya ang mag-aakala na ang grupo ng mga kontrabida ay makukuhang sagupain ang puwersa ng bansang U.S. sa kanilang gagawing pamumuksa?
Dapat samantalahin ng mga local producers ang desisyon ng Hollywood tungkol sa terror at high-tech movies. Pansamantalang hihina ang foreign competition. Balik-drama tayo tungkol sa human relations, romantic themes at inspiration movies. Na siya nating kailangan sa panahong ito ng pangamba. Baka bumalik muli ang mga family-oriented movies at youth-oriented films about everyday people mga ordinary lives made extra-ordinary by different situations and different stories.
Buti na lamang at may television show si Rudy Fernandez (Kasangga) at Bong Revilla (Idol Ko Si Kap) sa GMA-7 (at pareho raw humahataw sa ratings) kaya hindi sila nami-miss ng kanilang fans. At walang bagong action star na umaapir at maging ang bini-build up na si Victor Neri ng Star Cinema ay nagso-soap opera na lang sa TV.
Si Phillip Salvador ay wala ring ginagawa pagkatapos ng eleksyon. Hindi na pine-pursue ni Raymart Santiago ang kanyang action career at comedian naman ang kanyang dating sa Kool Ka Lang. Wala rin yatang planong maging action star si Jericho Rosales at si Diether Ocampo at nalilinya sila sa mga romantic o sexy roles, gaya rin ni Piolo Pascual.