Angelika, pinaghintay din ni Cogie!
September 19, 2001 | 12:00am
Bukod kay Judy Ann Santos, isa rin sa naging biktima ng pagiging unprofessional ni Cogie Domingo ay si Angelika dela Cruz.
Kung dalawang beses naghintay ng limang oras si Judy Ann kay Cogie sa shooting ng movie nila sa Regal, ganito rin katagal ang ipinaghintay ni Angelika sa isang taping day nila ng Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Maraming beses na raw nangyari na na-late si Cogie sa taping ng nasabing drama soap, pero ngayon nga lang daw sumabog ng husto ang galit ni Ms. Dela Cruz. Ang sabi-sabi pa, nakatikim daw ng mura at masakit na salita si Cogie kay Angelika?
"Ang sa akin lang, be professional naman, di ba? Naaawa rin ako sa mga kasama namin sa show lalo na sa crew na per day ang bayad. Kumbaga, ang laking oras nang nasasayang," simula ni Angelika.
"I have nothing against Cogie. Mabait naman siya at wala ring problema sa pakikisama niya. Sa oras lang talaga siya nasisira. Hindi rin naman maganda kung masisira ang career niya ng dahil din sa kanya, right?
"Gusto ko ring linawin na hindi ko siya minura-mura or something like that. Grabe naman yon. Wala akong karapatan at wala po sa image ko yon. Sobra na yon!" paglilinaw pa niya.
"Normal na naman siguro sa isang tao ang magalit. Tao rin lang naman ako na may pakiramdam. Huwag naman sanang masamain ni Cogie kung napagsasabihan tayo minsan," aniya pa.
Sa pagkakataong ito, nalulungkot din si Angelika sa kinahinatnan ng friendship nila ni Sunshine Dizon. Ang sabi nga, tuluyan nang naputol ang magandang samahan nila.
"Hindi na tulad nang dati yung friendship namin. Its really sad dahil di na naibalik yung dating samahan namin. Nagkabati at nagkausap na nga kami, pero parang lalo pang lumala," sabi pa ni Angelika. (Ulat ni Robert Perez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended