^

PSN Showbiz

Jacky Woo, balik sa pag-gawa ng pelikula sa bansa

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Obviously, enjoy sa Pilipinas si Jacky Woo na isang action star, prodyuser at singer. Pagkatapos ng Dudurugin Ko Pati Buto Mo ay gagawin na ang The Hustler. Magsisimula ang syuting sa October o November. Prodyus din ito ng Tru Color Productions at Forward Group sa pagdating ni Jacky Woo ay magsisimula na silang maghanap ng mga artistang makakasama sa cast. Pagkatapos ipakilala ang sariling dance style na "Dance Shoot" ay kukuha siya ng fight instructor para maging kaiba ang mga stunts na gagawin niya sa movie. Makakasama rin niya ang isang sorpresang action star ng bansa.

Bilang movie prodyuser, nagbibigay si Jacky ng karangalan sa Japan movie industry. Nanalo ang kanyang huling pelikula na ginawa roon ng maraming awards sa film festival sa abroad. Nakapag-prodyus din siya ng mga popular na movie series doon na pinamagatang Gokudo No Tsumachi Revenge na tumatalakay tungkol sa mga asawang babae ng Japanese Mafia. Ilan sa mga pelikulang naiprodyus niya ay Bayside Midnight na kinunan nang buo sa Pilipinas gayundin sa Wipe Out kung saan isa rin siya sa mga artista.

Mahilig din sa musika ang aktor. Bilang music producer siya ang nag-compose ng theme song para sa Mabushisugite kung saan nagkaroon ito ng nominasyon sa Japan Verse 2000 Writing Contest. Ang theme song ng Dudurugin Ko Pati Buto Mo ay siya rin ang nag-compose na naging big hit sa Japan at isa sa mga repertoire of songs sa concert tour doon na inawit ng popular na Japanese singer na si Miyako Udagawa.

Magaling umawit si Jacky at nais niyang ang kanyang mga awiting Hapones ay magkaroon ng Tagalog o English version na siya mismo ang aawit sa tulong ng isang magaling na Pinoy composer. Nais nitong magkaroon ng concert sa ating bansa balang araw.

Hindi kataka-takang mahulog ang loob ni Jacky sa mga Pilipino dahil nababaitan siya sa mga ito. Hindi naging mahirap para sa kanya na makatrabaho ang mga Pinoy artist dahil sa pagiging propesyonal ng mga ito. Pasalamat nga at may isang action star na patuloy na gumagawa ng pelikula sa bansa kung saan nabibigyan ng trabaho ang mga taga-movie industry.
Makulay ang pagdiriwang ng Our Lady Of Peñafrancia
Sa paanyaya ng aking pinsang buo na si Linda Arquiza Daya at asawang si Victor na may-ari ng Vilda’s Tailoring ay biglaan ang aming pagtungo ng Naga City para dumalo sa pagdiriwang ng milagrosong Birhen ng Peñafrancia. Doon namin nasaksihan kung gaano karami ang mga deboto ng Mahal na Birhen na nanggagaling pa sa iba’t-ibang lugar ng Kabikulan, kabilang na rito ang mga turista at artista. Nauna nang dumating doon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at nakasabay naman namin sa eroplano si Angela Velez na may singing engagement sa isang music restaurant doon.

Isang linggong ipinagdiriwang ang kapistahan ng Mahal na Birhen kung saan nagsimula ito sa pamamagitan ng isang prusisyon para dalhin ang imahe sa Metropolitan Naga Cathedral. Dito nagkakaroon ng siyam na araw na nobena. Sa bisperas ng Kapistahan (September 15) ay nagkaroon naman ng fluvial procession. Napaka-touching habang pinanonood ito ng maraming tao sa gilid ng ilog na siyang magdadala sa imahen sa Basilika mula sa Cathedral.

Sa araw ng Kapistahan ay hindi mahulugang-karayom ang mga taong gustong makapasok para makinig ng Banal na Misa at mahagkan ang imahen. Hindi kami magtataka kung bakit maganda ang lugar ng Naga at naging matagumpay itong commercial center dahil ang mga tao dito ay matibay ang pananalig sa Birhen ng Peñafrancia.

Kaya lang hindi pa rin maiwasan na sa ganitong pagdiriwang ay hindi pa rin nawawala ang mga snatcher at salisi gang. Nakakaawa ang matandang babae na nasalisihan ng isang babaeng nagkunwaring bibili rin. Natangayan siya ng P1,200.
Sunshine, may pictorial sa Tate
Nakakwentuhan ko si Dorothy Laforteza at sinabi niyang kagagaling lang nila ng kanyang anak na si Sunshine Dizon sa Bataan for a much-needed rest. Kailangan na nilang bumalik ng Maynila dahil magteteyping na ang aktres ng Anna Karenina.

Masayang ibinalita ni Dorothy na inaayos na nila ang kanilang visa dahil napiling image model ng mga damit ni Ramon Savella si Sunshine. Baka sa October o November ay tumulak silang mag-ina patungong Amerika para magkaroon ng pictorial ng iba’t-ibang outfit si Sunshine for Evolution.

Pasasalamat:
Sa magandang pag-aasikasong ginawa sa aming mag-asawa nina Nena at Asiong Arquiza, JohnJohn Daya at Edring Arquiza na siyang sumundo at naghatid sa amin sa Naga airport.

ANGELA VELEZ

ANNA KARENINA

ASIONG ARQUIZA

BIRHEN

DUDURUGIN KO PATI BUTO MO

ISANG

JACKY WOO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with