Will this lead to KCs entering the movies? Papayagan ba niya ang anak na dalaga?
"KC loves the theater pero wala siyang interes sa movies. Hindi ako kundi siya ang may ayaw. Baka nga mag-medicine pa siya after high school," pagmamalaki niya, adding that nasa top list naman ito sa kanyang pinapasukang iskwela pagdating sa academics.
"Kay Frankie," her 2nd daughter, "walang problema. Kung gugustuhin niyang mag-artista, okay lang, hanggat maliit siya,
"Paglaki at nag-aaral na, di na pwede. Kailangang maging priority niya ang pag-aaral niya," dagdag pa ng sikat na ina.
Sinabi rin ni Sharon, in answer to one query kung ano ang reaksyon niya sa mga bagets na artista na nagsasabing crush nila ang anak niya. "Walang masama dun, ang masama siguro ay kung walang may crush sa kanya. Di naman ako mahigpit pagdating sa mga lalaki na nagpapakita ng interes kay KC. Ang gusto ko lang ay yung faithful, mabait at maraming good qualities," aniya.
Nagkaroon ng isang maikling programa hosted by Arnel Ignacio and another colleague, Butch Francisco. Kumanta sina Troy Montero, Yam Ledesma, Codie Moreno, Jo Canonizado at nagpasigla naman ng okasyon ang presence nina Ronald Gan, Isabel Granada, Ana Capri, Marissa Sanchez at marami pang iba. May isang bagong mukha ang kumanta na umagaw ng atensyon ng lahat sapagkat magaling itong kumanta. Isa siyang talino ni Wowie Roxas pero, unfortunately, nakalimutan ko ang name niya.