"KC, talagang walang interes sa pelikula"
September 15, 2001 | 12:00am
sa isang recent talk with the Megastar, Sharon Cuneta, whos making a big movie comeback opposite Robin Padilla in Viva Films Pagdating Ng Panahon, inamin niya na tatlong ulit niyang pinanood ang The Little Mermaid, ang musical na naglunsad sa kanyang anak na si KC Concepcion bilang isang stage actress. Ginawa niya ito para makita kung consistent ang kanyang anak sa performance nito. Hindi naman siya nabigo.
Will this lead to KCs entering the movies? Papayagan ba niya ang anak na dalaga?
"KC loves the theater pero wala siyang interes sa movies. Hindi ako kundi siya ang may ayaw. Baka nga mag-medicine pa siya after high school," pagmamalaki niya, adding that nasa top list naman ito sa kanyang pinapasukang iskwela pagdating sa academics.
"Kay Frankie," her 2nd daughter, "walang problema. Kung gugustuhin niyang mag-artista, okay lang, hanggat maliit siya,
"Paglaki at nag-aaral na, di na pwede. Kailangang maging priority niya ang pag-aaral niya," dagdag pa ng sikat na ina.
Sinabi rin ni Sharon, in answer to one query kung ano ang reaksyon niya sa mga bagets na artista na nagsasabing crush nila ang anak niya. "Walang masama dun, ang masama siguro ay kung walang may crush sa kanya. Di naman ako mahigpit pagdating sa mga lalaki na nagpapakita ng interes kay KC. Ang gusto ko lang ay yung faithful, mabait at maraming good qualities," aniya.
Maganda at masaya yung launching ng S Entertainment Magazine na inilalabas ng Global Publishing & Entertainment Corp. sa pamumuno ng kapatid sa hanapbuhay na si Aster Amoyo bilang Publisher/Managing Director. Ginanap ito sa 8th Day sa Ortigas Center at dinaluhan ng iba pang kasamahan sa entertainment press who were there para makibahagi sa magandang kapalaran ng isang kasamahan sa hanapbuhay.
Nagkaroon ng isang maikling programa hosted by Arnel Ignacio and another colleague, Butch Francisco. Kumanta sina Troy Montero, Yam Ledesma, Codie Moreno, Jo Canonizado at nagpasigla naman ng okasyon ang presence nina Ronald Gan, Isabel Granada, Ana Capri, Marissa Sanchez at marami pang iba. May isang bagong mukha ang kumanta na umagaw ng atensyon ng lahat sapagkat magaling itong kumanta. Isa siyang talino ni Wowie Roxas pero, unfortunately, nakalimutan ko ang name niya.
Will this lead to KCs entering the movies? Papayagan ba niya ang anak na dalaga?
"KC loves the theater pero wala siyang interes sa movies. Hindi ako kundi siya ang may ayaw. Baka nga mag-medicine pa siya after high school," pagmamalaki niya, adding that nasa top list naman ito sa kanyang pinapasukang iskwela pagdating sa academics.
"Kay Frankie," her 2nd daughter, "walang problema. Kung gugustuhin niyang mag-artista, okay lang, hanggat maliit siya,
"Paglaki at nag-aaral na, di na pwede. Kailangang maging priority niya ang pag-aaral niya," dagdag pa ng sikat na ina.
Sinabi rin ni Sharon, in answer to one query kung ano ang reaksyon niya sa mga bagets na artista na nagsasabing crush nila ang anak niya. "Walang masama dun, ang masama siguro ay kung walang may crush sa kanya. Di naman ako mahigpit pagdating sa mga lalaki na nagpapakita ng interes kay KC. Ang gusto ko lang ay yung faithful, mabait at maraming good qualities," aniya.
Nagkaroon ng isang maikling programa hosted by Arnel Ignacio and another colleague, Butch Francisco. Kumanta sina Troy Montero, Yam Ledesma, Codie Moreno, Jo Canonizado at nagpasigla naman ng okasyon ang presence nina Ronald Gan, Isabel Granada, Ana Capri, Marissa Sanchez at marami pang iba. May isang bagong mukha ang kumanta na umagaw ng atensyon ng lahat sapagkat magaling itong kumanta. Isa siyang talino ni Wowie Roxas pero, unfortunately, nakalimutan ko ang name niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended