"Kiss Muna, kisses goodbye!

Kiss Muna kisses goodbye! You read it right folks. Starting Monday, hindi na mapapanood ang Kiss Muna.

Ayon sa isang source ng Baby Talk, walang idea ang staff and cast sa nasabing cancellation. Basta sinabi na lang daw na wala na silang taping.

Poor rating daw ang dahilan ng cancellation ng nasabing programa.

The source adds na may ilang programa pa ang GMA 7 na kakanselahin dahil sa mababang rating.

Two show - Kasangga and Beh Bote Nga ang mataas ang rating sa GMA.
*****
Bituin Escalante nasulot? Well, ayon sa isang source ng Baby Talk, nasulot si Bituin ni Lani Misalucha para sa isang show with Wolfgang. Pero hindi raw ang ‘higa queen’ ang dapat sisihin sa nangyari kundi ang producer ng show na Unison Production headed by Luz Celadina & Eugene Canlas.

Ayon sa isang source ng Baby Talk, kung hindi pa tinawagan ni Ricky Gallardo, manager ni Bituin ang Unison para humingi ng rehearsal skeds, hindi pa nila malalaman na pinalitan si Bituin.

Matagal na raw nag-confirm na siya (Bituin) ang magiging lone guest ng Wolfgang sa kanilang major concert before the end of the month. Excited na raw ang mga Tisoy dahil idol nila si Bituin na fresh from her winning the Aliw Awards.

Ayon nga sa isang malapit sa grupo, sad sila sa naging decision ng produ na born again pa naman daw.

Kelan lang daw kasi ay nag-guest si Bituin sa album ng Wolfgang.

Very disappointed daw si Bituin sa nangyari. Ayon pa sa source, importante raw kasi sa singer ang word of honor na laging niri-remind ng kanyang manager.

Marami rin daw pinalampas na show ang manager ni Bituin including an P80,000 show tapos without any notice, tatanggalin na lang siya. Nag-excuse na rin daw si Bituin sa rehearsal ng Rent kung saan kasama siya.

Hindi raw naman masama ang loob ni Bituin kay Lani dahil wala naman siyang alam sa ginawa ng nasabing produ.

Well, ang comment ko lang, dapat matuto ang mga ganitong producer na hindi marunong makipag-usap. Maliit lang ang industriya. Born again pa naman sila.

At kung ako naman si Lani, hindi ko na lang itutuloy ang guesting dahil may maaapakan siyang tao lalo na’t kapatid pa sa hanap-buhay kahit sabihin pang hindi sinasadya.

At kay Bituin, don’t worry, sa galing mong taglay, hindi kawalan sa ‘yo ang concert na ‘yun, malay mo baka mas malaki pa ang maging kapalit no’n.
*****
Rico Yan dismisses the issue na split na sila ni Claudine Barretto. Consistent kasi ang issue kaya naa-alarm na sila. "‘Yung ibang tao kasi, binibigyan nila ng kulay ‘yung mga bagay na wala naman talagang kulay. Actually, nagtataka rin kami kung saan nanggagaling ‘yung mga ganyang intriga," he avers in an interview after the presscon of Whattamen shown every Wednesday, 9:00 p.m with Marvin Agustin and Dominic Ochoa over ABS-CBN.

For the record, 2 1/2 year na ang relationship nila ni Claudine and going strong. "Siguro may time na nakikita nila kaming hindi kami nag-uusap, akala nila, break na kami," he says. Admitted naman siya na may time na talagang nagkakaroon sila ng lovers quarrel, pero hindi naman ‘yun nagtatagal. Misunderstanding daw most of the time nagi-start ang arguments nila.

Never namang naging issue ang jealousy sa relasyon nila ng actress. Pareho raw kasi silang hindi seloso.

Anyway, no comment naman si Rico sa issue na si Janice de Belen ang isa sa mga nagkakalat ng break-up nila ni Claudine.

Wala pa ring knowledge ang actor sa sinasabing pagpasok niya sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan bilang kapalit ni Carlos Agassi na very negative ang feedback sa character sa nasabing telenovela. "Hindi pa ako kinakausap ng management tungkol d’yan. Pero in case na i-offer sa akin, why not. Lalo na kung may mako-contribute ako sa show, okey lang," he says.

Kung mangyayari ito, wala naman daw problema sa kanila ni Carlos dahil friends sila.

In case na pumasok siya rito, magiging three na ang show niya - MTB, Whattamen and Sa Dulo Ng Walang Hanggan.

Come October 9, aalis ang Whattamen for MTB US show. Pero hindi niya kasama si Claudine dahil may show ang actress sa Japan na kasabay ng trip nila sa America.

Nag-start na silang mag-shooting ng Got To Believe in Magic. Last movie ni Rico ang Mula sa Puso (The Movie) two years ago.

In Whattamen, Rico plays Castro, the most mature and career-minded sa kanilang grupo, who looks after his thriving business while mending a broken heart.

Nag-start mag-air ang Whattamen last Wednesday.
*****
Naniniwala si Pampanga Governor Lito Lapid na nasa inner circle ng showbiz ang mga taong responsable sa patuloy na paglala ng piracy sa bansa. "Mahirap na lang magsalita dahil maraming tatamaang tao," he confesses sa informal interview para sa promo ng kanyang latest movie Bukas Babaha ng Dugo for Regal Entertainment.

Pero gumagawa ng sariling move si Gob. para i-investigate kung totoo ang kanilang speculation.

Nanawagan din si Gob. na sana ay maging considerate ang pamahalaan sa apela ng mga artista na kalimutan na ang sinasabing increase ng witholding tax. "Kahit naman sino ang taasan mo ng buwis, talagang magri-react. Eh lalo pa nga ang mga artista. Alam naman natin ang status ng showbiz ngayon."

Samantala, nag-express naman si Gob. ng willingness na bisitahin si former President Joseph Estrada na common knowledge naman na mortal niyang kalaban before the impeachment trial. "Gusto kong dalawin ang dating pangulo. Pero siyempre hindi puwedeng basta na lang ako bumisita. Ayoko naman siyang puntahan ng hindi niya alam. Pag nagpasabi siguro siya. Sabihin naman niya iniinsulto ko siya," paliwanag ng actor.

Tungkol sa pakikisama at utang na loob ang Bukas Babaha Ng Dugo under the direction of Baldo Marro na naka-schedule ipalabas sa September 19.

Show comments