"Wala namang masama sa ginawa ko"- Lana

Tama ang naging desisyon ni Lana Asanin na aminin na siya nga ang cover ng Playboy (1992 German Edition). Nang mag-guest siya sa S-Files last Sunday, sinabi niyang wala siyang dapat ikahiya dahil wala namang masama sa ginawa niya. In fact, proud pa nga raw siya dahil konti lang ang nabibigyan ng chance na mag-pose sa nasabing international magazine.

Sinabi pa ni Lana, pakiramdam niya hindi naman maaapektuhan ang career niya dahil hindi naman pa-sweet ang pino-project niyang image since mag-start siya sa showbiz.

Show comments