^

PSN Showbiz

"Wala akong karapatang magalit kay Cesar" - Marice

-
"Wala kaming samaan ng loob ni Cesar (Montano). May karapatan ba akong sumama ang loob ko sa kanya? Bakit ako magtatampo? Asawa ko ba siya," reacts Maricel Soriano nang tanungin siya kung na-hurt ba siya sa hindi pagri-renew ng contract ni Cesar sa ABS-CBN na naging way para tapusin ang long-running show nilang Kaya Ni Mister, Kaya Ni Misis.

"Magkaibigan pa rin kami at wala sigurong masama ro’n," she adds after the presscon para sa kanyang new show, Mary D’Potter, premiering this Saturday, September 15.

"Saka parang ngayon ko lang narinig ‘yang issue na ‘yan," pahabol niya.

Marami kasing naging issue sa pagkawala ng show nila ni Cesar. "It was a management decision. Wala kaming magagawa. Hindi ako ang dapat tinatanong n’yo tungkol d’yan," she avers.

Four years din nag-run ang Kaya Ni Mister, Kaya Ni Misis na hanggang sa last episode ay mataas ang rating.

Different Maricel ang mapapanood sa Mary D’ Potter. Actually, nag-consult sa kanya ang management kung anong show ang gusto niyang gawin after Kaya Ni Mister... "I love fantasy movies. Mahilig din akong magbasa ng mga fantasy book, saka the child in me, kaya gusto ko ‘tong show. Gusto ko ring manood ng fantasy show like Charm," she justifies.

Maricel plays Mary Panyurutan, a young widow who supports her family - her Aunt Gelay (Nova Villa), sister Geri (Meryll Soriano) nephew Terry (Mel Martinez) and daughter Angel (Serena Dalrymple) - by making and selling clay pots. Sa kanilang community, Mary is a helpful, dedicated neighbor. Ang hindi nila alam, she has a secret identity - she is a white witch, na ang mission ay gumawa ng mabuti at tumulong sa ibang tao. She inherited her wizarding skills mula sa kanyang parents, na parehong nag-trabaho sa traveling circus, but she turned her back on being a witch when she married her late husband. "As much as possible ayokong gamitin ‘yung power ko, pero pag pamilya ko na ang nakataya, ibang usapan na ’yun," she relates.

Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista reunites with Maricel. Una silang nag-work sa Kaluskos Musmos several years ago. Herbert portrays the role of Kuling, Mary’s next-door neighbor. Wife ni Herbert si Izza Ignacio dito.

Anyway, Maricel also admits na maraming beses siyang nakatanggap ng offer from GMA 7. "Pero di ba pag masaya ka sa isang bagay, hindi mo na kailangang pumunta sa iba. Almost 14 year na ako sa ABS-CBN at wala namang rason para iwan ko sila. But I love change, malay din natin," she avers.

Anyway, hanggang ngayon ay hindi pa rin maintindihan ni Maricel kung bakit may mga taong naga-assume na madaling trabaho ang paga-artista.

"It’s not easy being a star. Walang trabahong madali. I can be sarcastic pag may taong nagsasabi na madali ang trabaho namin. In my case, it appears so easy because I love my job. Pero nandoon pa rin ‘yung hirap. Pero sabi nga nila that’s the prize you pay," she explains.

Hate rin ni Maricel ang mga taong mahilig makialam sa buhay ng may buhay. "Sa akin kasi, importante ang privacy, so as much as possible ayoko nang pinakikialaman ang buhay ko especially my private life, dahil ako ayoko nang nakikialam sa buhay ng ibang tao," she expresses na may tono pa rin ng pagtataray kung saan naman siya kilala.

In any case, next year na mapapanood sa movie ang actress. Last movie niya ang Mila. ‘Yung supposedly movie nila ni Aga Muhlach ay next year na itutuloy ng Star Cinema.

At any rate, Mary D’Potter completes ABS-CBN’s Saturday sitcom block, beginning with Arriba! Arriba! at 7 p.m., Mary D’Potter at 8 p.m. and Da Pilya and Da Pilot (previously Da Body and Da Guard) at 9 p.m.
*****
Kung kelan naman gumaganda ang story ng Camila saka nag-decide ang ABS-CBN na ilipat ang time slot ng telenovela - every 8:30 p.m. na ito mapapanood.

Pinalit sa 11:30 timeslot ang Alicia.

Sayang naman, wala na kaming chance manood. Kahit nga si Tita Ethel (Ramos) ay hindi pabor sa bagong timeslot ng Camila.
*****
Late na kaming dumating nila Tita Ethel, Ian Fariñas and me sa Crossover Concert ni Lani Misalucha last Saturday night sa Araneta Coliseum. Hindi tuloy namin inabutan ‘yung first part ng concert na ayon sa kuwento ng mga nauna, ang galing-galing daw ni Lani sa number niya sa hit song ng mga diva. Kinanta niya kasi lahat ng hit song ng ibang diva.

Anyway, napuno ni Lani ang Araneta kaya puwede na rin siyang mag-claim na new concert queen. Grabe ang reaction ng tao sa lahat ng song niya.

Guests ni Lani si Joey Generoso of Side A at si Martin Nievera na medyo paos. Pero siyempre Martin Nievera siya kaya magaling pa rin siya. Pero ang funny thing na nangyari ay nang i-introduce ni Lani as concert queen si Martin. In a way, siguro kinakabahan pa rin si Lani kaya ganoon.

Pero okey lang, parang walang effect sa audience dahil sa powerful voice ni Lani.

Nakipag-duet siya kay Joey and Martin at meron silang tatlo.

Pinanindigan ni Lani ‘yung sinasabing title niya na ‘higa queen.’ Kumanta siya ng nakahiga ng twice nang parang wala lang. Sinasabi kasi nila na pag nakahiga ka mahirap kumanta, but not in Lani’s case. Parang walang effect sa kanya.

Nang magi-end na ang show, walang gustong umalis sa audience kaya tuloy almost 12:00 a.m na natapos ang concert. Ilang beses bumalik sa stage si Lani na ganoon pa rin ang boses.

Anyway, sabi ng isang officemate kong si Jojo Cruz, naiiyak siya sa mga song ni Lani. Meaning ganoon kagaling si Lani.

Magaganda rin ‘yung mga gown niya kaya lang masyado siyang concious.

At least ngayon, puwede na siyang mag-claim na kaya niyang punuin ang Araneta na 17,000 ang capacity.
*****
Starting September 14, Friday, 10:00 p.m. mapapanood na ang Call 117 hosted by DILG Secretary Joey Lina over National Broadcasting Network. Ang Call 117 is a joint project of the Department of Interior and Local Government, the Philippine National Police and the Foundation for Crime Prevention headed by Mr. Manny Pangilinan.

Pattern sa Rescue 911 ang Call 117. It was designed to make it easier for people to get help in case of an emergency.

Last September 3, nag-sign ng Memorandum of Agreement ang lahat ng telecommunications firms in the country para tumulong sa Call 117. Aside from Smart Communications and the Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT), calls to Call 117 will also get connected through Telecom, Islacom, Nextel, PT&T, Digitel, Bayantel, The Trunked Radio Operator of the Philippines Association (TROPA), Philcom Group, Eastern Telecom, Piltel and the Philippine Association of Private Telephone Companies and Philippine Information Agency (PAPTELCO).

PLDT and Smart lang ang dating partner ng nasabing project where the central monitoring system operate. Sa pag-link ng lahat ng telecom firms, ang 117 ay highly accessible na in terms of coverage and connection.

Sa loob ng six months, nadagdagan na ang trunklines para i-sustain ang dumaraming nangangailangan ng tulong. Pero ayon kay Sec. Lina during the launching of Call 117 na ginanap sa Manila Hotel, marami silang nari-receive na illegitimate or crank calls. Kaya naman nag-warning si Sec. Lina na mati-trace lahat ng mga caller na nanggo-goodtime lang. "Naka-caller ID po ang mga line natin, so puwedeng i-trace lahat ng nanluluko sa tawag," he says.

Lina also appeals to the telecom companies "to advocate to subscribers to prohibit the unneccessarily use of Call 117 so as to accommodate emergency cases easily.

"Do not be usyuseros. Testing the 117 can wreak havoc." Kung ganoon daw kasi ang gagawin ng iba nating kababayan, magkakaroon ng clog ang system and may prevent legitimate calls of people na talagang nangangailangan ng tulong.

Sa mga susunod na buwan, magla-launch ng campaign ang 117 through their TV show ng negative effect ng maraming crank calls.

Accessible for the meantime sa Meto Manila ang 117 but will soon emergency calls in key cities like Cebu and Davao, at hindi magtatagal sa buong bansa.

KAYA

KAYA NI MISTER

LANI

MARICEL

MARY D

PERO

RIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with