"Trabaho ito, isang magandang trabaho na hindi ko mapapalampas dahil lamang makakasama kong muli si Bojo," pauna ni Rica.
"Maganda ang role ko rito, ma-aksyon, parang Lara Croft sa Tomb Raider.
"Hindi naman kami nagkailangan habang nagti-tape. Trabaho lang talaga kami. Wala naman kaming dapat pag-usapan.
"Kami naman ni Bojo, we were never really friends. May mga mag-dyowa na nagiging magkaibigan o bukod sa mag-sweethearts ay magkaibigan pa rin pero, hindi kami. Wala kaming bonding as friends. Siguro dahil kulang ang relasyon namin ng honesty. I appreciate the fact that he came to my defense nung panahon na tsinutsugi ako ng mga tao pero, when we parted ways ay hindi kami naging friends na friends pero hindi rin kami bastos sa isat isa," pagpapatuloy pa ni Rica.
Bukod sa kanilang telesine ni Bojo, she has started work with Erik Mattis Dos Ekis. "Strip dancer ako dito kaya wag kayong magtaka kung pula ang hair ko ngayon. Kailangan ito for my role," dagdag pa niya.
Ipapalabas na ang Banyo Queen nila ni Andrew E. Kasama nila dito si Mystika sa direksyon ni Dwight Gaston.
Call 117 can handle any crime, gaya ng kidnapping, rape, homicide, public disturbance, child abuse, domestic violence, at maski na ang nauuso nang cell phone snatching. Tutugon din ito sa mga public safety concern gaya ng fire, vehicular accident, medical emergency, faulty electrical wiring, busted transformer, open manhole at busted water pipes.
Maaaring tumawag gamit ang ibat ibang uri ng telepono --PLDT, Bayantel, Globe landlines, sa mga cell phones ng Smart, Piltel,Globe, Mobiline, Islacom, Nextel at maging ng PT&T, Extelcom, ETPI. Digitel at Philcom.
O, di ba napaka-gandang balita nito? Sa isang bansa ng tulad ng sa atin na kada segundo yata ay may nagaganap na krimen, mayron na tayong maaasahan. Sana lamang ay magtuluy-tuloy ang proyektong ito at hindi maging isang ningas kugon lamang. Magandang paraan din ito para mabalik ang pagtitiwala ng mga mamamayan hindi lamang sa isat isa kundi sa ating mga pulis.
"Matagal ko ring hindi nabigyan ng atensyon ang mga negosyo ko. At saka, na-realize ko na mas masayang nakakadaupang palad ko ang mga tao na humihingi sa akin ng tulong sa halip na nagkakausap lamang kami sa radyo," ani Jojo nang makausap ko recently.
"May mga ibang offers pero, talagang ayaw ko muna. Gaya nga ng sinabi ko, pamilya muna at negosyo," dagdag pa niya.
Bagaman at nalulungkot siya sa naging katuparan ng kanyang hula sa Manor Hotel at Payatas, may pag-asa naman siyang nakikita sa administrasyon ni GMA na magtatagumpay daw sa kabila ng pagtatangka ng marami na mabuwag ito. Wala siyang nakikitang kaguluhan na magaganap. "Malalampasan nating lahat ang ating mga problema," aniya.
Mga anak ng artista ang susunod na mamamayani sa industriya na aniya ay patuloy na hindi makakatayo hanggang hindi nasusugpo ang piracy.
Naghahanda na rin si Jojo para sa pagbabalik ng kanyang magasin na "Diwa" na kapapalooban ng mga timeless issues, science of the mind at paranormal.
Abangan ang mga last quarter of the year predictions niya dito rin sa PSN.