Popular sa buong mundo ang gameshows mula sa Inglatera, sa Holland sa Amerika, siyempre at sa maraming bansa sa Asia kasama na ang Pilipinas, Indonesia, India, Hongkong at Singapore. Hindi nawawala ang interes sa gameshow na karaniwan ay ini-ere sa tanghali o hapon. Pero lalong bumulusok ang popularidad nito sa mga nakaraang taon at ang airing nito ay napunta na sa evening primetime.
Ang ABC 5 ay nanguna sa paglalagay sa primetime ng gameshow bilang alternatibong palabas sa mga drama at sitcom. Nung 1996, ini-launch ng innovative na istasyon na ito ang matagumpay na BnaB (short for Baliw Na Baliw). Masaya at maaksyon ang BnaB at celebrities ang mga kasali. Nung 1999, prinodyus naman ng ABC 5 ang Easy Money, base sa baraha at maaaring umabot sa isang milyong piso ang premyo.
Simula Nobyembre, babaguhin ng ABC ang mukha ng primetime TV sa paglo-launch ng tatlong bagong gameshow na tatakbo mula Lunes hanggang Sabado. At hindi lang basta gameshows ang tatlong ito ang pinaka-popular, matagumpay at pinakamahusay sa history ng TV. Tinalo ng ABC ang iba pang interesadong istasyon at producers para sa rights na ilocalize ang mga gameshows na ito: Family Fued, The Price Is Right at Wheel Of Fortune. Papaimbulog na naman ang mga pamosong katagang: "One hundred people surveyed," at "Come on Down".
Sa mga susunod na linggo, magkakaroon na ng auditions para sa mga magiging contestants sa tatlong gameshows na ito. Abangan ang mga anunsyo mula sa ABC 5.