Gusto na niya talagang kalimutan si Vinci Abesamis. Ni hindi nga niya mabanggit ang pangalan nito ngayon. Pagkatapos ni Vinci, nagkaroon siya ng isang ardent suitor, isang Chinese businessman, binata. "Pero hindi ko siya naging boyfriend," paglilinaw ni Aya. "Constant date lang. Mabait siya, generous. Pero nakilala ko nga itong new boyfriend ko sa birthday party ng isang reporter, at yon na. Pag may boyfriend na ako, siya lang talaga. Hindi na ako nagi-entertain ng iba. Hindi ako two-timer."
Sa bago niyang pelikula directed by Boy San Agustin, natuklasan naming second choice lang siya rito. Originally, kay Nini Jacinto ito. Hindi nga lang daw makita si Nini sa first shooting day sa Tierra Pura. Nagdesisyon ang produ na humanap agad ng kapalit, isang boldstar na bankable. Kumita yung Venus kamakailan at si Aya ay tinawagan agad. "Walang sinasabi sa akin ang producer na second choice lang ako," sabi ng Bicolana actress na kilala bilang Papaya Queen. "Pero okey lang kahit hindi ako ang first choice. Ang dami ko rin namang karanasan na ako ang first choice, kaya lang, inayawan ko. Gaya sa Paraiso ni Efren at Live Show. Yung mga roles nina Ynez Veneracion at Hazel Espinosa sa akin unang inalok yon. I dont mind being second choice. Ang importante, sa akin napunta yung movie. Ako yung gumanap na leading lady."
Tuwang-tuwa si Aya dahil kumita nga yung Venus niya. Mas malakas pa sa nakasabay na Cool Dudes na ginastahan ang promotion. "Siguro, right timing lang yung pagpapalabas ng movie ko. Kasi, di ba, kinuwestyon yon ng MTRCB. Hindi agad naipalabas. Pero sabi nga nila, kahit ganun lang yung Venus, kumita yon. Ibig sabihin siguro, mabango pa rin ang pangalan ko bilang actress."
Sa Sukdulan katulong ang role ni Aya. Amo niya si Dexter Doria na anak si Martin Gonzalo. Magkakaroon sila ng relasyon. Makikilala niya si Allen, na pari ang ginagampanan. "Siguro, si Allen ang actor na ang daming beses ko nang nakasama sa pelikula. Hindi ko na mabilang, kasama na yung mga ginawa namin sa Regal." Noon, nabalitang nagkaroon sila ng relasyon ni Allen, bagay na itinatanggi niya. "Hindi totoo yon!" diin niya. "Puwede ba kay tito Jojo (Veloso) na nagkakatalo yung mga alaga niya? Magkapatid lang talaga ang turingan namin ni Allen sa isat isa. Relaks lang kami talaga sa isat isa sa love scenes. Panatag ang loob ko pag siya ang ka-love scene ko."
Bale limang taon na sa showbis si Aya. Ang mga pelikulang Sisa, Babae sa Bubungang Lata at Molata ang mga itinatangi niyang pelikula. Kasama rin yung Padre-Kalibre, dagdag niya, "Dahil na-nominate ako for best actress sa Manila Film Festival."
Tuluy-tuloy na sana ang katanyagan niya noon kung hindi nga lang siya naaksidente noong Agosto 28, 1999. "So far, yon talaga ang karanasan ko sa buhay na hindi ko malilimutan. Ikalawang buhay ko na ito ngayon."
Bilang breadwinner, patuloy pa rin na tinutulungan ni Aya ang nanay niya at mga kapatid sa ina na nakatira sa Bicol. Napagawa at napalaki na niya ang bahay sa probinsiya. Yung restaurant niyang ipapatayo roon ay malayo pang matuloy. Kahit yung coffee internet na balak niyang pasukin. Kamakailan, bumili siya ng taxi at ipinapasada niya sa uncle niya. "Syempre, gusto ko ring mag-business para pag wala na ako sa showbiz o pag konti na lang ang offers, meron akong masasan-dalan. Pero hanggat maaari, gusto kong magtagal sa showbis. Gusto kong makagawa ng mga pelikulang maipagmamalaki, kasama na roon yung acting ko."
Ayon kay Ricketts, mahilig siyang mag-build-up ng kontrabida sa pelikula. "Nung Mano Mano 1, si Ricardo Cepeda ang ginawa kong kontra. After that, madalas na siyang makuhang villain sa mga action films. Happy ako kapag nakakatulong ako sa career ng isang artista."
May nagsasabing ang ilang eksena sa Mano Mano 2 ay kopya sa Fight Club na ginampanan nina Brad Pitt at Edward Norton. "I dont think so," sabi ni Ronnie. "Kasi, two years ago ko pa kinonsepto itong fighting scenes sa pelikula ko. Last year lang ipinalabas yung Fight Club. Siguro, in a way, may konting hawig yung ibang eksena pero posibleng nagkataon lang yon."
Wala bang plano si Ronnie na gumawa ng pelikula na magdidirek lang siya at hindi siya ang leading man? "Malapit na," sabi niya. "Kinausap ako ng Viva to direct Mark Anthony Fernandez for a drama-action movie. Feeling ni Boss Vic I can make something to help Marks career as an action star. Challenge sa akin yan at naniniwala ako sa kakayahan ni Mark bilang young action star. For a change, gusto ko namang masubukan yung hindi ako lalabas, magdidirek lang."