^

PSN Showbiz

Movie career ni Juday, naisalba na naman

-
Dahil blockbuster ang latest movie niyang Bakit ’Di Totohanin, marami ang nasupalpal sa mga nang-iintriga na mahina na sa box office si Judy Ann Santos.

Muli ngang pinatunayan ni Judy Ann ang kanyang drawing power sa takilya. Salamat din daw sa Star Cinema na siyang nagsalba sa movie career ni Judy Ann.

"Like I said many, many times, bahala na sila sa gusto nilang sabihin at isipin. Basta ako, nagtatrabaho ng maayos. Nagpapasalamat sa lahat at alam kong wala akong inaapakang tao," simulang pahayag ni Judy Ann just recently.

Marami naman ang naawa kay Wowie de Guzman. Natabunan na raw ito ni Piolo Pascual na siyang mabiling leading man ngayon ni Judy Ann sa TV man o pelikula.

Tuluyan na raw bang namatay ang loveteam nila ni Wowie? At saan na raw kaya pupulutin si Wowie?

"Kanya-kanyang panahon lang naman ’yan. Alam kong makakabawi pa si Wowie. Nagkataon lang na nagustuhan din ng tao ang team up namin ni Piolo," tanging nasambit ni Judy Ann. (Ulat ni Robert Perez)

ALAM

DI TOTOHANIN

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

LIKE I

PIOLO PASCUAL

ROBERT PEREZ

STAR CINEMA

WOWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with