Kristine, ayaw sa anak ng presidente, gusto sa ana

Hot copy ngayon si Kristine Hermosa. Bilang lead star ng isang pangunahing serye, ang Pangako Sa ‘Yo. Inalagaan siya ng husto ng ABS-CBN. Katunayan, ang naturang network ang gagastos para sa kanyang debut na gaganapin sa Manila Polo Club sa Setyembre 9.

Mainit din siya bilang commercial model. Sa pelikula, siya ang kinuhang leading lady sa pelikulang Dugong Aso na ilulunsad ang action star na si Mark Lapid na anak ng super action star at Gobernador Lito Lapid ng Pampanga na siya ring nagdirek ng pelikula.

Balitang binayaran si Kristine ni Gob. Lapid ng kalahating milyong piso para sa naturang pelikula. "Hindi totoo yan," natatawa si Gob. Lapid sa tsismis. "At saka hindi ako ang producer ng pelikula kundi si Raoul Cruz ng Megabuilt Films.

Maging ang producer ay ayaw magbigay ng comment tungkol sa talent fee. Basta ang importante sa kanila, tapos na ang pelikula at naniniwala silang malaki ang magagawa ni Kristine upang kumita ang Dugong Aso.

Show comments