Mommy Alice also confirmed na ipo-push ang show na pagsasamahan ni Rica and Rufa Mae Quinto called Rated R na mapapanood sa IBC 13. "Definite na yun pero wala pa kaming idea kung kelan. Maraming ginagawa si Rica eh. Heto ngat nagi-start pa lang siya ng movie with Mark Anthony (Fernandez), may binigay ng bagong script Tatarin," Mommy Alice avers. Makakasama niya sa nasabing project si Dina Bonnevie to be directed by Tikoy Aguiluz. Supposedly, kasama si Bernard Palanca sa Rated R pero parang malabo raw dahil baka hindi payagan ng ABS-CBN ang actor.
By the way, Dos Ekis ang title ng movie ni Rica with Mark Anthony. "Its a different Rica here. Prostitute siya rito. Kaya wag kayong ma-shock kung makita nyong red ang color ng hair ni Rica ngayon."
Anyway, feeling naman ni Mommy Alice hindi sila magiging close ni Bernard na may special participation sa Banyo Queen dahil English nang English ang actor. "Sinasabi ko nga sa kanya na mag-Tagalog naman siya. Pero pag nag-try naman siyang mag-Tagalog, trying hard ang dating. Kaya nga sinabi kong magpa-tutor siya.
"Pero mabait si Bernard. Imagine nang magpunta kami sa Singapore (special guest si Bernard & Rica sa concert ni Rosanna Roces doon), siya lahat ang may dala ng bag namin. Talagang nagbitbit siya."
Feeling pa ni Mommy Alice, physically si Bernard ang bagay sa dalaga niya. "Pero mas naging close ako kay Wowie (de Guzman). Nang mag-break nga sila, mas na-miss pa ako ni Wowie kasi parang mommy na talaga niya ako. Hindi niya kasi kasama mommy niya rito. Lagi namin siyang kasama noon," she recalls.
Anyway, going back to Banyo Queen, nakita kong enjoy ang audience sa trailer ng nasabing movie nang manood ako nang Bakit Di Totohanin. Tawanan ang mga tao sa mga scene ni Andrew E and Rica.
At any rate, magkakaroon ng premiere night and movie this coming Monday sa SM Manila ang set to kick off on Wednesday.
The movie is under the direction of Dwight Gaston for Viva Films.
Ayon naman sa ibang observer, talagang hindi na kikita ang nasabing show dahil hindi na nila kailangang gayahin ang mga character ng karamihan sa politician natin dahil mas exciting pa yung mga actual na nangyayari na napapanood natin sa TV ng live.
True. Mas exciting pa ngang manood ngayon ng nangyayari sa Senate hearing.
Several years ago nang mag-hit ang Ang Susunod Na Kabanata. In fact, don nakilala si Tessie Tomas as Imeldiffic, si Anjo Yllana among others.
Im sure marami nang excited sa Pasko this year.
Last Christmas kasi hindi masyadong nag-enjoy ang tao dahil sa impeachment trial ni former President Joseph Estrada.
This year nang ma-install si President Gloria Macapagal-Arroyo because of Edsa II pero nagsunod-sunod na ang problema. Hindi pa siya gaanong nagtatagal sa puwesto, nagkaroon na ng power grab attempt. When former president and Jinggoy Estrada were arrested, nagkaroon ng sinasabing Edsa III na umabot sa Malacañang siege last May 1.
Two weeks after that incident, nagkaroon ng national and local elections. Hanggang ngayon, meron pa ring winners na hindi napo-proclaim.
Ngayon busy naman ang buong bayan sa pag-aabang sa testimony ni Mary Ong at ISAF Chief Victor Corpus against Senator Panfilo Lacson.
Plus the fact na pamahal nang pamahal ang price ng mga bilihin at ang Abu Sayyaf na hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos-ayos ng pamahalaan. Trial pa ni Estrada na nag-start na about his plunder case. Tapos dadagdagan pa ang witholding tax.
Actually, hindi pa man natatapos ang 2001 pagod na ang tao sa mga nangyayari sa bansa natin. Kaya nga, marami nang naghihintay sa Pasko para naman kahit paano ay malimutan nila lahat ng yan. Masyadong heavy ang 2001 kaya baka sa 2002 maging clear ang direction ng ating bansa.
Well, let us hope for the best.