^

PSN Showbiz

Paco A., ikakasal sa Oktubre 1

- Veronica R. Samio -
Mula sa isang non-showbiz source, napag-alaman ko na nagbabalak na pakasalan ni Paco Arespacochaga ang kanyang non-showbiz girlfriend. Isang simple at matahimik na wedding lamang ang binabalak nila. Sa ngayon ay nagsisimula pa lamang ang ikakasal na magbuo ng kanilang wedding entourage na sigurado namang hindi mawawalan ng mga celebrities hindi lamang sa talaan ng mga sponsors kundi maging sa wedding participants.

Sumunod na kayang magpakasal si Geneva Cruz na katulad ni Paco ay nakakita na rin ng kanyang bagong pag-ibig sa katauhan ni KC Montero? Sina Paco at Geneva ay nun pang last year nabigyan ng kanilang annulment.
*****
Isang anak ng beauty queen-turned actress ang nagkwento sa akin na diumano ay nakita niya si Bong Revilla at si Rufa Mae Quinto na namamasyal sa Las Vegas nun.

Bagaman at hanggang ngayon ay pilit pa ring itinatanggi ng dalawa na nagkasama sila sa Amerika hindi lamang ang dalagang source ko ang naniniguro na ang dalawa nga ang nakita niya na magkasama sa isang okasyon kundi ang isa pa ring kapatid sa hanapbuhay na nasa US kasabay nang pagpunta run ng dalawa.

Nang tanungin daw niya ang aktres kung bakit ito narun sa US ay sinabi nito na ginagamit lamang niya ang tiket na iniregalo sa kanya ng PAL. "Bakit? Anong ginawa niya sa PAL para bigyan siya ng libreng round trip ticket to the US?," tanong ng bading.

Samantala, habang lumalaganap ang tsismis linking Bong and Rufa Mae, nakita naman ng isa ko pang source na masayang namimili ang mag-anak ni Bong sa Ayala Town Center last week.

Masaya raw ang mag-anak habang pinipilian ni Lani Mercado ng mga polo si Bong. They were a picture of a happy family.
*****
Nakuha ko na ang side ni April Boy Regino tungkol sa hindi niya pagsipot sa Tanging Ikaw concert ni Emma Cordero nung Biyernes ng gabi sa Alegria Lounge. Sa kanyang manager mismo nanggaling na pumayag si April Boy Regino sa imbitasyon na dumalo siya sa paanyaya ng Parangal ng Bayan, sa isang awards-giving body na kung saan ay tatanggap siya ng parangal.

A day before the concert ay nakabasa sila ng mga news na nagsasabi na guest siya sa isang concert na tatampukan ni Emma Cordero sa nasabing lugar. Hindi sila naniwala agad at sumipot pa rin sa nasabing venue a few hours before the concert. Dun nalaman nila na totoong may naka-schedule na concert at isa siya sa mga guests.

Agad ay umalis si April Boy Regino na puno ng pagdaramdam sapagkat hindi pa sinabi sa kanya ng nag-imbita na concert ang ipinag-iimbita sa kanya at may ticket selling pa. Pwede naman daw siya kahit walang bayad basta sabihin lamang sa kanya ang totoo. Hindi ang manager niya ang tumanggap ng imbitasyon para sa nasabing okasyon kundi ang misis niya na si Madel de Leon.
*****
Napakalakas ng ulan nung Sabado pero hindi ito naging hadlang para hindi dumugin ng tao ang concert ni Gary Valenciano sa Ayala Town Center. Hindi rin ito naging dahilan para maging less ang performance ni Gary V who is also promoting his "repackaged" "Revive" album from Universal Records.

vuukle comment

ALEGRIA LOUNGE

APRIL BOY REGINO

AYALA TOWN CENTER

BONG AND RUFA MAE

BONG REVILLA

CENTER

EMMA CORDERO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with