"Matagal ko na kasing gustong mag-drive at magkaroon ng sariling sasakyan. Gusto ko Rav-4 para hindi na yung van ang dinadala ko sa taping. I also love diamonds kaya lang sobrang mahal non."
Eh, paano kung may magregalo ng mga ito sa birthday niya sa Linggo?
"Ang bait naman niya. Pero sisiguraduhin ko muna na talagang birthday gift yon. Baka kasi may kapalit, eh, mahirap na, di ba?" tugon pa niya.
Kahit 18 na si Kristine sa September 9 ay hindi pa rin daw siya magbo-boyfriend.
"Choice ko rin naman yon, eh, ang hindi muna mag-boyfriend. Marami pa akong gustong gawin at may pangarap pa ako sa pamilya ko kaya nag-decide ako ng ganun." LB