Eh, sino ba ang nasa likod ng naturang awitin? Siyay walang iba kundi si Rea Valle, ang kinagigiliwang tawaging "the pretty woman in the recording scene." Una siyang nakilala sa kanyang first single "Sinungaling" na mula sa kanyang self-titled debut album sa ilalim ng label ng Prime Music Corporation na pag-aari ni Ricky C. Lo.
Naging miyembro ng Thats Entertainment, si Rea ay mahilig kumanta kahit noong bata pa. Naikuwento niyang sa edad na anim ay madalas siyang nasa harap ng salamin, hawak ang isang kunwariy mikropono at ginagaya ang bawat singer na napapanood niya sa telebisyon. Inambisyon niyang pasukin ang showbiz balang araw. At sa edad na dose, nabigyan siya ng break ni German Moreno para sa show nito.
Sa recording, nadiskubre siya ng singer-composer-record producer na si Boy Christopher nang maimbitahang kumanta sa isang okasyon sa Tanauan, Batangas. Hindi halos makapaniwala si Rea na isang album kaagad ang iaalok sa kanya ni Boy na tumayong manager niya.
"Laking pasasalamat ko nga dahil napunta ako sa mga taong may isang salita," wika ni Rea. "At iyan ay ang bigyan ako ng pagkakataong matupad ang aking pangarap na masundan ko ang yapak ng aking mga idolo na sina Sharon Cuneta at Jennifer Lopez.
Sweet at sexy, si Rea ay abala ngayon sa kanyang promo tours. Bukod sa "Giniginaw" at "Sinungaling", ang iba pang awiting nakapaloob sa debut album ay "Ibibigay Lahat," "Nananabik," "Bakit," "Sabihin Mo," "Sadyang Pag-ibig Na," "Walang Kupas," "I Love You" at ang carrier single "O Kaysarap Umibig".