^

PSN Showbiz

Ayaw sa artista, maraming tsismis

- Veronica R. Samio -
Kung ang lahat halos ng tao na nasa paligid ng kapatid niya na si Rica Peralejo ay related sa showbiz, kay Paula Peralejo ay hindi. Maaaring mas nakakarami kung hindi man nagkakapareho ang bilang ng mga taga-showbiz ang mga taong wala sa showbiz na nakakadaupang-palad niya. Mas marami siyang ibang interest kaysa sa kapatid, tulad ng iskwela at choir.

Marami ring taga-showbiz ang nagpapakita ng interes sa kanya pero, umiiwas siya sapagkat ayaw niyang maintriga. "Ayaw ko sa artista, maraming tsismis," ang sabi niya.

Presently may ka-MU siya na isang Atenista na gustung-gusto rin ng kanyang ina sapagkat napaka-thoughtful nito. She met him in February through a friend. "Friends pa lang kami, special friends," dagdag pa ni Paula.
*****
Inamin naman ni Troy Montero na hindi pa sila officially engaged ni Nikki Valdez. "She’s my girlfriend but we’re not yet engaged. And I don’t see myself getting engaged at this point when I am busy with so many things. But, once I get engaged, I’ll get married immediately," sabi niya.
*****
Kahapon nag-plano kaming manood ng sine ng mga anak ko. There were five of us plus one child. Nang kwentahin namin kung magkano ang magagastos namin, we decided to go malling na lang and eat out kapag napagod na kami. Sabi ko, sayang din yung mahigit sa P300 na nawala sa kita ng isang pelikula na hindi namin pinanood.

Sabi ng isang kapitbahay, di na lang sila nanonood ng sine tuwing Linggo. Pumupunta na lang sila ng park. Bukod sa walang GP movie where they can take their young children, kulang pa ang budget nila. Dinadala na lang nila ang kanilang lunch and meryenda sa park at happy na sila. O kaya, nagri-rent na lang sila ng mga tapes at sa halagang P50 may back- to-back films na sila at may maruya at coke pa.

Come to think of it, hindi ang pirated tapes ang kriminal sa pagbagsak ng pelikula kundi ang napakasamang kalagayan ng ating ekonomiya. May malaking kasalanan din ang mga pirata na nagbibenta ng mga ilegal na discs pero, isa lamang sila sa dahilan.

Ang hindi pagtaas ng antas ng ating buhay ang dahilan ng pagkalugmok ng industriya ng pelikula at maging ng recording. Oo nga at naibaba na ang halaga ng mga CDs but the more than 200 pesos na halaga nito ay lubha pa ring napakataas sa mga average income buyers. Mag-imbestiga kayo at maraming records made-to-order stores na nagbibenta ng mga tapes na ang selection of songs ay choice ng buyers at hindi yung offered ng recording companies. At sa mas mababang halaga lang kumpara sa presyo ng regular CDs.
*****
Si Delamar Arias ng grupong Chico and Delamar ay kasali na sa XYZ simula nung Setyembre 1. Makakasama siya ng mga hosts na sina Raye Baquirin at Lala Roque sa pagtalakay sa mga isyu mula sa household budget hanggang sa mga tindahang second hand.

Ang XYZ ay mapapanood tuwing Sabado, 7-8 ng gabi sa ANC Channel 21 sa Sky Cable or kaya ay sa Channel 32 sa Home Cable. Ito ay nasa direksyon ng veteran broadcast journalist na si Ida F. Vargas.

CHICO AND DELAMAR

DELAMAR ARIAS

HOME CABLE

IDA F

LALA ROQUE

LANG

NIKKI VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with