"Iba na ang sitwasyon ngayon," patuloy ng maprinsipyong aktor ng Mano Mano 2. "Ngayon, nagtatawaran na. We meet halfway with the producers. Gagawa ako ngayon ng isa pang pelikula sa Maverick. Gagawa pa ako ng isang pelikula kay Mayor Talaga ng Lucena City, co-prod din ako, dahil kalahati ng suweldo ko, isinososyo ko na. Kasi, kung gusto mo yung presyo mo, malaki kaagad. Kailangang ibaba mo ang presyo mo, dahil ang labanan diyan ngayon, maka-generate ng trabaho. What is important is generating jobs for other people. Nagpapatawad ako ng presyo ko dahil ang tinitingnan ko, yung kabuuanpara magkaroon ng trabaho yung nasa industriya, lalo na yung maliliit, yung barya-barya lang ang kinikita."
Isang taon at kalahati nahinto sa paggawa ng pelikula si Ronnie. Naging aktibo siya sa family business, sa The Barn sa Katipunan, Quezon City. Isang taon itong itinayo. Naging abala rin siya ng pagtuturo sa kanyang gym, Bakbakan, sa Makati. Naging abala rin siya sa real estates business sa Richville. TV guestings ang pumuno ng iba niyang panahon. "Hindi ko tinanggap yung ibang offer sa akin noon dahil may problema. Ang talagang gusto kong gawin, itong Mano Mano 2. Kasi, ako talaga ito. Yung personality ng character, sa prinsipyo, sa pagiging martial artist, sa moral values, sa kabuuan, its me."
Sa kalipunan ng mahahalaga niyang pelikula kasama ang Mano Mano 1 na una niyang dinirek at nagbukas ng pinto sa kanya bilang producer at direktor. Sumunod ang Sparrow Unit kung saan siya nagwaging best supporting actor, mula sa Star Awards for the Movies noong 1988. "That film pushed me to become an action star." Ikatlo ang Huwag Mong Isuko Ang Laban na nagwagi ng ilang awards sa 1995 Manila Film Festival, kasama na ang third best picture.
Sa mga action director, sina Leonardo Garcia, Willy Milan at Augusto Salvador ang ilan sa hinahangaan niyang direktor. "Gusto ko rin si Ridley Chu na naging direktor ko sa isang Hongkong movie."
Sabi ni Ronnie, wala raw siyang naging problema sa mga naging leading ladies niya sa pelikula. Pero kung meron siyang gustong makapareha, walang iba kundi si Lorna Tolentino. "Ang dream ko talaga nung araw pa, si Lorna T. Kasi, ang lalim, eh. Ang lalim nung drama side niya. Tapos, ako sa action side, pag bli-nend mo siya, ang daling laruin."
Sa kanyang marital life, sa piling ng kanyang pamilya, kay Mariz at sa dalawa nilang anak, kuntento na siya. "Kung may away man kami ni Mariz, dahil hindi naman nawawala yon sa mag-asawa, hindi ito lumalaki, napapatay kaagad. Wala pa kaming away na tumagal ng magdamag."
Responsableng ama kina Marella at Marie si Ronnie. "I bring my daughters to school everyday. Pag wala akong work, automatic yan. Yung mga schoolmates nga nila, may binyag sa akin "Tito Ronnie Macaroni." Sigawan ang mga bata pag nakikita ako. Yung mga teachers, tawa nang tawa."
Bukod sa pelikula at pamilya, aktibo rin si Ronnie sa mga civic at charity work. Spokesperson siya ng Philippine Cancer Society. Pamilyar na ang mukha niya sa V. Luna Medical Center at Philippine General Hospital, sa mga cancer wards doon. "Everytime na may okasyon para sa mga batang may leukemia, ako ang Santa Claus sa V. Luna. Pag may birthday request, nandun ako. Ako ang nagho-host, mga 50 kids yan, kahit hindi ako komedyante, nagpapatawa ako. Kumakanta ako for the kids. It is very disheartening. Kasi, the next time I visit the kids, bawas na sila. Kasi, may mga namatay na."
Si. Fr. Richie Santos, Salesian priest ng Don Bosco, ang nagbukas ng interes ng ganitong gawain kay Ronnie. Brother pa noon ito nang makilala niya. Estudyante pa lang siya noon sa Don Bosco, Makati. Ang paring ito rin ang nagkasal sa kanila ni Mariz noong 1993.
Hindi lang materyal o pinansiyal ang naitutulong ni Ronnie sa mga batang may leukemia. Personal niyang binibigyan ito ng suporta. Pinapaoperahan niya ang mata ng isang nabubulag na bata, si Trixie. Sinagot niya ang gamot at hospitalization ni Crizel. At may natuklasan siya sa PGH. "There are doctors there who give services for free dahil nababagbag din ang kalooban nila and theyd rather na hindi ipa-publish ang pangalan nila."
Yung istorya ng mga batang may cancer dahil sa nakatira sila sa isang toxic waste area ang nagpaantig ng kalooban ni Ronnie. "Sabi ko kay Fr. Richie, how come these kids are the ones suffering? They are so young and innocent. Bakit sila ang nagkakasakit at hindi yung masasamang tao? Binigyan niya ako ng libro, "Knowing Christ". Basahin ko raw at makikita ko ang sagot.
"At nabasa ko nga, pag ang bata nagkakasakit, mas nakakaawa. When you see a child hurting, the more you absorb the pain. When you see them hurting and agonizing with pain, the more you feel for them.
"Kung minsan nga, kapag nakikita ko yung mga batang iyon na may cancer, nadi-deform physically, nangangailangan ng chemotherapy, gusto ng bumagsak ng luha ko, kaya lang pinaglalabanan ko. I have to be strong para hindi sila ma-defeat. Hindi sila kailangang magpatalo sa sakit. At mahal sila ng Diyos.
"At least, okey na sila sa resettlement nila ngayon. Inilayo na sila sa Capcom area. From ages 2 to 6 ang mga bata, karamihan may cancer na. Mino-monitor yung posibleng magkaroon pa. At yon ang pinakamasakit."