^

PSN Showbiz

"TeleDyaryo" ng NBN, isang malaking hamon kina Gan

-
Kung may isang mas nahihirapan sa dalawang news anchor ng programang TeleDyaryo ng National Broadcasting Network, ito ay si Chino Trinidad, isang pamilyar na pangalan at mukha sa mga mahilig manood ng basketball sa TV at kasalukuyang commisioner ng PBL. Si Chino at Gani Oro ay nagpapalit-palit sa pagbibigay ng balita, Lunes hanggang Biyernes, 8-10 ng gabi sa nasabing programa.

"For me, the challenge is more personal. Bago ito sa akin pero, mabuti na lamang, at madali ko itong natututunan," ani Chino.

Bagaman at isang mahusay na newscaster, bago kay Chino ang pagbabasa sa pamamagitan ng teleprompter. "Mas sanay ako sa adlib, lalo na sa coverage ng basketball. Ang pagbibigay ng news calls for developing skills in reading a report na ginawa ng iba para basahin ko sa pamamagitan ng teleprompter."

Tinanggap din na isang hamon ni Gani ang pagiging news anchor ng TeleDyaryo. "Bahagi ng challenge kung paano ko mapagmumukhang madali ang trabaho ko," anang more experienced news broadcaster of the two.

Hindi nagkamali ang TeleDyaryo director na si Ed Finlan na pagsamahin sina Chino at Gani sa programa. Napakinggan niya ang dalawa na gumagawa ng kanilang broadcast sa Balita Oro Mismo ng DZBB at nun pa ay nakita na niya ang magandang chemistry ng dalawa.

Hindi naman sukat akalain nina Gani at Chino na magiging matagumpay silang news anchors. Isang radio talent si Gani na ang kapital ay ang kanyang magandang boses nang kunin siya ni Mike Enriquez para sa DZBB morning broadcast. Nakasama niya si Chino na pinagkatiwalaan ng sports news. Kahit na nang mapunta ito sa TV ay hindi niya iniwan ang kanyang sports broadcast. Anak siya ng journalist na si Recah Trinidad pero, aniya ay hindi niya namana ang galing ng ama sa pagsusulat.

Labinlimang taon na si Gani sa broadcasting, pwera pa ang tatlong taon niya sa pagiging isang drama talent. Naka-trabaho na niya sina Luz Fernandez, Lucy Quinto, Josie Galvez at Vangie Labalan. Nagsimula siya sa news bilang isang field reporter sa RMN. Si Mike Enriquez ang nagkumbinse sa kanya na maging isang full time na news reporter. Dito ay nakatrabaho niya sina Mel Tiangco, Bobby Guanzon at Jay Sonza.

BALITA ORO MISMO

BOBBY GUANZON

CHINO

CHINO TRINIDAD

ED FINLAN

GANI

ISANG

MIKE ENRIQUEZ

NEWS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with