Ang updated version ng "Revive" na kung saan nanggaling ang mga awiting "I Will Be Here" ni Steven Curtis Chapman at "Love Is The Answer" ni Todd Rundgren ay mayroon ding kaparehong line-up ng orihinal na album. Ang kaibhan lamang nito ay mayroon itong added bonus: isang VCD na nagtataglay ng music video ng mga awiting "I Will Be Here" at "Lupa". Ang mga bibili nito ay magkakaroon ng pagkakataon na marinig si Gary V. at mapanood ang dalawang video.
Ang "repackaged" album ay dinirihe ni Boom Dayupay na ang kaalaman sa computer-generated video ay ginamit niya para sa grupo niyang Kulay. Kumuha na ito ng maraming local at international awards.
Kararating lamang ni Gary V sa kanyang matagumpay na US tour. Ang kanyang konsyertong Gary V: Radical Tour ay napanood sa pitong cities gaya ng Reno, San Diego, Sacramento, Houston, San Jose, Jacksonville, Florida at Chicago. Sa lahat ng palabas niya, ang Fil-American diva na si Jocelyn Enriquez ang naging front act niya. Nadala na rin niya ang concert tour sa mga siyudad sa Pilipinas gaya ng Bacolod, Davao at Dagupan.
Bukod sa "Lupa" ang iba pang mga cut sa album ay ang mga revival ng "The Warrior Is A Child", "Hindi Kita Malilimutan", "People Need The Lord", "We Are The Reason", "More Than Wonderful" na pinagduwetuhan nila ng Asias 700 Club host na si Tricia Amper-Jimenez.
Ipagpapatuloy ni Gary V ang kanyang national tour sa Alabang Town Plaza, (Set 2), University of Nueva Caceres, Naga City (Set. 7), Captains Bar, Mandarin Hotel (Set. 13), UP theater (Okt. 2), De La Salle gym (Okt. 7), University of Baguio (Okt, 20). May special show siya sa Valle Verde Club (Set. 28) para sa Jubilee Evangelical Church.
Nasa Araneta Coliseum siya sa Okt. 19 kasama sina Aiza Seguerra, Piolo Pascual, Carol Banawa, Karylle at Lani Misalucha para sa isang special concert para sa mga kabataan.
Maaaring magtanong tungkol kay Gary V at sa kanyang mga activities sa Manila Genesis Entertainment sa 7251937 o bumisita sa kanyang website sa www.garyv. com.
Contrary too what many foresee about his being forced into temporary hiatus dahilan sa kanyang gawain bilang Gobernador ng Pampanga, matutuwa ang marami niyang tagasubaybay na ipalalabas na ng Regal Films ang natapos niyang pelikula na Bukas Babaha ng Dugo.
Sa halip na magtanim ng galit at paghihiganti sa mga kalaban niya sa pulitika at sa labas nito, mas binibigyan ng atensyon ni Lito Lapid ang pagpapatatag ng kanyang tungkulin at maging ng industriya ng pelikula.
"Sa kanila na rin nagbuhat na ang katotohan ay lalabas sa tamang panahon. Weather-weather lang yan. Pinigilan nilang mabunyag ang katotohanan kaya nang sumambulat ito mabilis na natapos ang maliligaya nilang araw."
Si Baldo Marro ang direktor ng Bukas Babaha ng Dugo.